^

Dr. Love

Last trip

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa tinagal-tagal ko sa pagbabasa ng iyong popular na column, ni sa hinagap ay hindi ko naisip na susulat din ako sa iyo para humingi ng payo mo.

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Betsy, isang market vendor. Hindi ko na sasabihin ang edad ko pero nasa bingit na ako ng pagiging matandang dalaga.

Pihikan kasi ako. Ang gusto kong mapangasawa ay ‘yung makakahango sa akin sa kahirapan. Ulilang lubos na kasi ako at ang tanging kasama ko sa bahay ay ang ampon kong babae na 3 years old.

Matagal nang nanliligaw sa akin si Mando. Isa siyang matansero sa palengke at dala­wang taon nang biyudo. Wala siyang anak dahil namatay ang asawa niya sa panganganak kasama ang kanilang baby.

Bata sa akin ng limang taon si Mando. Pero dahil nga sa tayog ng aking pangarap, ayaw ko na mag-commit sa kanya sa pagbabakasakaling darating ang lalaking hahango sa akin sa kahirapan.

Pero sa edad ko ngayon, tila malabo nang mangyari ito. Anong maipapayo mo?

Betsy

Dear Betsy,

May nararamdaman ka ba kay Mando? Kung wala ay huwag mo siyang tanggapin kung ang rason lang ay ayaw mong tumandang dalaga.

Pero kung may gusto ka sa kanya na pini­pigilan mo lang sa kaaabang ng lalaking mayaman, kalimutan mo na ang pangarap na yumaman.

Alalahanin mo na baka last trip na iyang si Mando at baka wala nang dumating pang iba.

Tingin ko naman ay responsableng tao si Mando at sa pagsisikap ninyo kapwa ay pareho kayong aahon sa kahirapan.

Dr. Love

vuukle comment

ALALAHANIN

ANONG

BATA

BETSY

DEAR BETSY

DR. LOVE

IKUBLI

MANDO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with