^

Dr. Love

Inakit si Lolo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkaproblema po ang pamilya namin nang magbakasyon dito sa Pilipinas sina Tita Susan­ at Lolo Dan. Ang tita ko ang kasama ni lolo sa kanyang bahay sa states mula nang yumao ang Lola Bella.

Sa bahay tumira ang lolo at inihanap pa siya ng mommy ko ng isang midwife/care giver para siyang mag-asikaso sa pagpapainom sa kanya ng gamot at mangangasiwa sa restricted diet dahil isa siyang dayabetiko.

Kinakakitaan na rin si lolo ng pagiging malilimutin at pagiging moody. Pagkaraan ng tatlong buwan, gusto nang bumalik sa Amerika ni lolo at isasama raw niya si Tessie, ang 35-anyos na caregiver niya.

Natulala si mommy nang sabihin ni lolo na pakakasalan niya si Tessie at para mabilis na ma-iproseso ang papeles nito. Nag-panic ang iba pang kapatid ni mommy sa desisyon ng ka­nilang ama dahil hindi nila ito inaasahan.

Nang tanungin ni mommy si Aling Tessie kung totoo ngang sasama siya sa US kay Lolo, ang sagot nito ay nagkakagustuhan daw sila ng lolo ko. Siya na raw ang mag-aalaga kay lolo bilang asawa.

Biglaang dumating ang Tita Susan ko para sunduin na si lolo dahil anya, may problemang dapat asikasuhin ang lolo sa kanyang pensiyon. Isang retiradong US navy si Lolo Dan at mayroon siyang kabuhayan doon. Siya rin ang tumatanggap ngayon ng pensiyon ni Lola Bella na isang retiradong nurse.

Nakaalis na si lolo kasama ang tita ko pero nangako siya kay Aling Tessie na tutuparin niya ang kanilang kasunduan na maging tagapag-alaga niya.

Ano po ba ang dapat naming gawin para hindi­ matuloy ang kasunduang ito? Nagpasya po ang mga kapatid ng mommy ko na maghanap ng ibang mag-aalaga kay lolo, hindi babae kundi isang lalaki.

Duda po sila kay Aling Tessie lalo na’t nalaman nilang hiwalay pala ito sa asawa at mayroong isang anak na lalaki na sugapa sa droga.

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Ma. Victoria

Dear Ma. Victoria,

Hindi ako pabor na hadlangan ng sino man ang kaligayahan, lalo ng isang balo. Pero sa kaso ng lolo mo at ng kanyang caregiver, sang-ayon ako na lalaki ang hanapin ninyong tagapag-alaga para sa inyong lolo.

Dr. Love

vuukle comment

ALING TESSIE

DEAR MA

DR. LOVE

LOLA BELLA

LOLO

LOLO DAN

SIYA

TESSIE

TITA SUSAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with