^

Dr. Love

Sabi-sabi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta na po ang paborito kong love ad­viser­? Sana’y nasa mabuti kayong kalusugan sa pagtanggap ng sulat ko.

Tawagin mo na lang akong Sally, 30-anyos at may asawa. Mabuting mister ang asawa ko at maligaya ako sa piling niya.

May dalawa kaming anak na pareho nang nag-aaral sa elementary bagama’t naninirahan lang kami sa isang apartment.

Pero may naririnig ako mula sa ibang tao tungkol sa kanya, na mayroon daw siyang ibang babae sa buhay.

Ayoko namang mag-usisa dahil buo ang tiwala ko sa kanya at baka magalit siya. May mga pagkakataong nade-delay siya ng uwi pero hindi madalas. Siguro minsan sa isang buwan at hindi naman talaga inaabot ng magdamag. At kung ma-delay man siya ay dahil may mahala­gang tinatapos sa opisina.

Pero kahit tsismis ay nababalisa ako. Ano ang dapat kong gawin?

Sally

Dear Sally,

Ikaw ang nagsabi na buo ang tiwala mo sa asawa mo dahil uliran siya at maayos ang inyong kabuhayan.

May kasabihang ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Ikaw ang higit na dapat makakilala sa asawa mo.

Kung umuuwi siya sa takdang oras at nag-iintrega ng buong suweldo, ano ang basehan mo para maniwalang may iba siyang babae?

Kapag nakapansin ka na ng mga indikas­yong nangangaliwa siya, doon ka mabalisa at mag-usisa.

Dr. Love

 

vuukle comment

ANO

AYOKO

DEAR SALLY

DR. LOVE

IKAW

KAPAG

KUMUSTA

MABUTING

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with