^

Dr. Love

My old flame

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Hilda, 51-anyos. Matagal akong nanirahan sa Italy at doon ako nakapag-asawa ng isang Italiano. Tatlong taon na siyang patay ngayon.

Noong first year high school ako ay nagkaroon ako ng boyfriend. Tawagin mo na lang siyang Cris. Akala ko ay puppy love lamang ito dahil nang naglaon ay lumipat ang pamilya ko sa Cebu at nawalan na kami ng komunikasyon ni Cris.

Hanggang mag-apply ako ng trabaho sa Italy at doon ko nakilala ang naging asawa ko. Sa kasamaang palad ay hindi kami nagka-anak.

Nagsawa na ako sa Italy at miss na miss ko ang Pilipinas kaya nagpasya akong bumalik na lang.

Pero minsang ako’y nagsa-shopping, isang lalaki ang tingin nang tingin sa akin at parang minumukhaan ako.

Siya si Cris at niyaya niya akong kumain.  Nalaman kong may asawa na siya pero mula noon ay binibisita niya ako at gustong buhayin ang aming relasyon.  Pero may asawa na siya at alam kong ito’y mali kahit nararamdaman kong mahal ko siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Hilda

Dear Hilda,

Kung wala sanang pananagutan si Cris ay okay kahit may edad na kayo. Pero dahil ikaw lang ang biyuda at siya’y may asawa, malaking kasalanan ang makipagrelasyon sa kanya kahit dati mo siyang katipan.

Mas mabuti pa’y huwag na kayong magkitang muli para huwag nang mag-alab ang inyong damdamin sa isa’t isa.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKO

ANO

CEBU

DEAR HILDA

DR. LOVE

HANGGANG

HILDA

PERO

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with