^

Dr. Love

Laos na 'Romeo'

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Kilala sa aming barangay si Amado, pali­kero, pabandying-bandying sa pag-aaral, maraming barkada na gaya niya ay spoiled brat, kaya naman nang malaman kong inaambisyon niya akong ligawan ay talagang kinabahan ako, sa dahilang baka mapasubo ang aking pamilya sa gulo.

Unang engkuwentro namin ay nang mati­yempuhan niya akong naglalakad papunta sa sakayan papasok ng eskwela. Inalok niya akong ihatid at para hindi naman siya mapahiya sa pagmagandang-loob, pumayag na ako.

Mula noon, naobserbahan ko na madalas nang nakaabang ang kotse niya malapit sa aming bahay. Kaya inagahan ko ang pag-alis para hindi niya ako matiyempuhan. Minsan naman ay niyaya ako ng kapatid niya dahil birthday niya. Pero tinanggihan ko.

    Hindi talaga naka-first base si Amado sa akin at ang akala ko, lulubayan na niya ako. Pero hindi siya madaling sumuko. Umakyat na siya ng ligaw sa tulong ng malapit kong kaibigan. Talagang nag-research siya kung sino-sino ang puwede niyang mahingan ng tulong para mapalapit ang loob ko sa kanya.

Pinrangka ko siya kung ano ang pakay niya sa pagbisita sa akin. Nakikipagkaibigan daw siya. At gusto niyang mapalapit sa akin at makilala ko siya ng lubusan. Hindi naman daw siya masamang tao kundi misguided lang.

    Tinalampak ko siya na kung panliligaw ang pakay niya, ibaling na niya sa iba dahil ayaw kong maabala ang panahon ko sa pag-aaral. Pinayuhan ko pa siya na magbalik-paaralan dahil sinasayang niya ang buhay sa pabandying-bandying at barkada.

    Kitang-kita kong namula si Amado at hindi nakapagsalita. Mula noon, hindi ko na siya nakitang nakatambay. Nabalitaan ko na lang na pumapasok na nga siya at disidido raw tapusin ang engineering course.

Ang akala ko, dito na natapos ang kabanata ng pagkakakilala namin. Pero nagkamali ako, dahil pagkaraan ng dalawang taon bumalik siya. At sa pagkakataong ito, pareho na kaming tapos sa pag-aaral. Kasama niya ang kanyang ina. Nagpapasalamat si Amado dahil sa pagbubukas ko raw sa kanyang mga mata sa kahalagahan ng edukasyon. Maging ang ina niya ay hindi matapos-tapos ang pasasalamat sa ginawa kong pagpapayo sa kanyang anak. Isa na raw laos na “Romeo” ang kanyang anak.

Pero talagang hindi ko akalain na tatalab sa kanya ang ginawa kong pagiging mailap. Sana po, may mapulot na aral ang inyong mambabasa sa karanasan kong ito. Maraming salamat at more power.

Gumagalang,

Ditty

Dear Ditty,

Nabitin ako sa kwento mo. Hindi mo nabanggit kung napagtagumpayan ni Amado ang iyong matamis na oo. Gayunman, sa aking paniniwala higit sa salita, nakikita ang sinseridad ng isang lalaki sa gawa. ‘Yun ang ipinamukha sa iyo ni Amado.

Pero ang pagpapasya kung papayagan mo siyang maging bahagi ng iyong buhay ay wala sa akin o sa iba kundi nasa iyong pagdedesisyon lamang.

Hangad ng pitak na ito ang kaligayahan ng inyong puso.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

AMADO

DEAR DITTY

DR. LOVE

KONG

MULA

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with