^

In-love sa pinsan

() - November 7, 2010 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hello po sa lahat ng tumatangkilik sa co­lumn n’yo. Tawagin na lang po ninyo akong Ms. Virgo17. Ako po ay umiibig sa 3rd cousin ko. Pareho po kami ng nararamdaman noon. Ngunit pinigilan namin pareho ang aming nararamdaman sa isa’t isa. Pinakilala n’ya po ako sa isa niyang kaibigan na may gusto sa’kin, na nakarelasyon ko. Pero hindi kami nagtagal. Dahil siya talaga ang mahal ko.

Matagal na panahon po kaming hindi nagkita. Nang magkaroon ng pagkakataon na magkatagpo uli kami, mas lalo ko pa siyang minahal. At alam ko at pakiramdam ko na ganun din siya sa akin. Nahihirapan na po ako Dr. Love. Mahal na mahal ko po siya at ‘yung pagiging magpinsan lang po talaga namin ang pumipigil sa amin.

Hindi naman po ako makapag-open dito sa bahay dahil nahihiya po ako at hindi ko po uga­ling mag-share sa family ko ng problema ko. Ano po ang dapat kong gawin o ano po ang dapat naming gawin? Sana po ay mapayuhan n’yo ako.

Maraming salamat po and more power.

Gumagalang,                                                                                                 

 Ms. Virgo17

Dear Ms. Virgo,

Sa pagkakaalam ko, ang napangasawa ni Rep. Mikee Arroyo ay kanyang third cousin. Ang pinagbabawalan lang yata na makapagpakasal ay ‘yung first hanggang second degree.

Hindi ko lang matiyak pero magtanong ka sa mga abogado at tiyak alam nila iyan. Mayroon kasing dahilan kung bakit pinagbabawalan ang malapit na magkamag-anak na maging mag-asawa. May masamang epekto kasi sa kanilang magiging anak kung minsan. May mga isinisilang na abnormal.

Pero palagay ko’y malayo na ang relasyon ninyo sa dugo.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)

AKO DR. LOVE LIBANGAN SECTION MIKEE ARROYO MS. VIRGO PERO PORT AREA RAILROAD STS ROBERTO S
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with