^

Dr. Love

Nakulong dahiL sa pagsaklolo

-

Dear Dr. Love,

Nawa’y sapitin kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kala­gayan.

Marahil naman po ay hindi lingid sa inyo ang kalungkutan nang tulad kong bilanggo. Damdam ko, aban­donado na ako. Dahil nangungulila sa aking pamilya at mga kaibigan. Kaya naman po tila nawalan na ako ng pag-asa sa buhay dahil sa paghihinagpis.

Ako nga po pala si Donald S. Sarita, 40 years old. Dati po may­roon akong trabaho sa Cavite sa aming lugar. Dahil sa hindi sinasad­yang pagkakataon, nakapatay ako ng tao. Ngayon, ako ay narito sa pamban­sang bilangguan.

Tandang-tanda ko pa po ang pangyayaring yaon na siyang nakapagpabago sa aking buhay.

Mula ako sa aking trabaho da­kong alas siyete ng gabi. Habang nagla­lakad, pauwi sa bahay, may­roong tao na lumapit sa akin. Du­guan siya at humihingi ng tulong na madala sa pagamutan. Binugbog daw siya ng isang grupo. Nagda­lang-habag naman ako.

Lingid sa kanyang kaalaman, nasundan pala siya ng mga huma­rang sa kanya at pilit nilang inaagaw sa aking proteksiyon ang lalaking iyon. Pinakiusapan ko silang ma­ging mahinahon at pahintulutan na akong madala ang tao sa paga­mutan.

Pero matigas sila sa gusto nilang mangyari. Nang hindi ako pumayag, ako naman ang inundayan ng sak­sak. Nagpantig ang tainga ko at nanlaban. Naagaw ko ang balisong na hawak ng isa sa kanila. Sa kabig­laanan, naisaksak ko iyon sa may hawak ng patalim.

Hindi ko po gustong makadis­grasya ng tao. Nagmagandang loob lang po ako sa taong humihingi ng tulong. Ang resulta, nakulong ako sa salang pagpatay.

Sobrang hirap pala ang ma­bilanggo. Bukod sa nawalan na ng kalayaan, kinalimutan na ako ng aking pamilya. Pati ang babaeng minamahal ko iniwan na ako ta­ngay ang lahat nang naipundar kong ari-arian. Gulung-gulo ang aking isip. Nawalan na ako ng pag-asa sa buhay.

Sa pamamagitan po ng sikat ninyong column, nais kong mag­karoon ng mga kaibigan sa panulat. Umaasa po akong mabibigyan ninyo ako ng oras at panahon para mailathala ang sulat na ito.

Marami pong salamat at pag­palain kayo ng ating Mahal na Panginoon.

Lubos na gumagalang,

Donald G. Sarita

Student Dorm, Bldg. 4 1-C

YRC, MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Donald,

Nakalulungkot na mayroong mga taong halang ang kaluluwa na gumagawa ng masama sa kapwa at nabiktima ka ng mga taong ito.

Nagnais kang tumulong sa na­ngangailangan pero dahil sa gru­pong ang tangka ay mangi­babaw ang kanilang kagustuhan at yuru­kan sila, nadungisan ang mga kamay mo.

Maaaring isa lang itong challenge sa iyo, kung gaano katatag ang kalooban mo na mapangi­babaw ang kabutihan sa kabila nang ikaw naman ang nalagay sa delika­dong sitwasyon.

Dahil sa nakapatay ka ng tao kahit hindi sinasadya, kailangan mong pagsilbihan ang hatol ng korte.

Ang pagtalikod ng babaeng minahal mo ay isa ring panibagong pagsubok sa iyo. Mabuti at nakilala mo siya. Kaya nga lang, pati ari-arian mo ay inubos niya.

Patawarin mo na lang siya dahil kung naniniwala ka sa karma, ang masama niyang ginawa sa iyo ay may katapat na parusa.

Sana, magkaroon ka ng mara­ming kaibigan para manumbalik ang tiwala mo sa tao.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR DONALD

DONALD G

DONALD S

DR. LOVE

KAYA

SARITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with