^

Dr. Love

Taksil na mister

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka at magandang araw sa iyo, Dr. Love. Itago mo na lang ako sa pangalang Zeny, 40-anyos. May kinalaman sa babaero kong mister ang problema ko.

Noong araw ay uliran siyang asawa. Ma­ganda ang kanyang trabaho bilang superbisor sa isang pabrika. Ngunit sa ikatlo naming anak ay nagbago na siya.

Naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin at halos hindi na nag-iintrega ng sahod.

Kamakailan lang ay natuklasan ko na may ka­laguyo pala ang mister ko. Kinumpronta ko siya at tinanong at umamin siya. Sabi pa niya ay huwag akong magrereklamo at magpa­salamat ako dahil hindi pa niya ako nilala­ yasan.

Ilang gabi na akong hindi makatulog at laging umiiyak. Ano ang dapat kong gawin?

Zeny

 

Dear Zeny,

Isang malungkot na katotohanan na ma­raming kalalakihan ang hindi kuntento sa iisang babae.

Maraming babae tuloy ang nagiging “martir” dahil diyan. Ngunit dapat malaman ng mga ka­lalakihan na ang pangangalunya ay isang kri­men na may takdang parusa sa ilalim ng batas.

Kung gusto mo, maaari kang maghabla ng kasong concubinage laban sa mister mo para matamo mo ang katarungan. Pero kailangan diyan ang matibay na ebidensya.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)

vuukle comment

ANO

DEAR ZENY

DR. LOVE

ILANG

ISANG

NGUNIT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

ZENY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with