^

Dr. Love

Sino sa kanila?

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo at sana’y datnan kayo ng liham ko na nasa maayos na kalagayan.

Sumulat ako sa inyo dahil sa aking problema sa pag-ibig. Tawagin mo na lang akong Marty. May tatlo akong girlfriend. Si Ana, Verna at Ciarra. Ang problema ko ay pare-pareho ko silang mahal.

Wika nga’y wala akong itulak kabigin dahil nasa kanila ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae.

Hindi sila magkakakilala. Si Ana ay classmate ko sa unibersidad at si Verna ay kasamahan ko sa trabaho. Working student kasi ako. Si Ciarra naman ay kababata ko. Kapitbahay ko siya at magkasabay kaming lumaki.

Lahat sila ay mababait at tapat magmahal kaya natuturete ako. Ayaw kong masaktan ang sino man sa kanila kung ako’y makikipagkalas.

Tulungan mo sana akong magpasya, Dr. Love.

Marty

 

Dear Marty,

Kapag nagkabukingan, siguradong ikaw ang masasaktan nang husto dahil malamang, sabay-sabay kang lalayasan ng mga babae sa buhay mo.

Ang problema mo ay mahal mo silang lahat. Ngunit isa lang sa kanila ang puwede mong tuluyan kaya ngayon pa lang ay mag-decide ka na. Hindi kita matutulungan diyan. Ikaw lang ang puwedeng magpasya para sa sarili mo.

Ay naku, ewan ko. Kung ako ikaw, dadaanin ko na lang sa draw-lots. Isusulat ko ang pangalan nila sa kapirasong papel, bibilutin ko at ilalagay sa bote at aalugin. Tapos huhugot ako ng isa lang.

At kung makapagdesisyon ka na, hindi puwedeng walang masaktan sa kanila. Huwag mong asahan na kapag kinalasan mo yung dalawa ay ituturing ka pa nilang kaibigan. Harapin mo ang consequence na iyan.

Wala akong maisip na ibang paraan kundi iyan. Kung bakit ba naman pinasok mo iyang masikip na iyan eh.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

CIARRA

DEAR MARTY

DR. LOVE

HARAPIN

MARTY

SI ANA

SI CIARRA

VERNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with