^

Dr. Love

Matandang mayaman, madaling mamatay

-

Dear Dr. Love,

Siguro matatawa ka sa mga katangiang hina­hanap ko noon sa lalaki: Matandang mayaman na madaling mamatay.

Tawagin mo na lang akong Lyzel. Napakahirap kasi ng pamilya ko. Labandera ang nanay ko at karpintero ang aking tatay.

Lima pa kaming mag­kakapatid noon at pare-pareho kaming hindi na­katapos ng college. High school lang ang natapos ko.

Kaya naisumpa ko sa sarili ko na kung mag-aasawa ako ay sa isang matandang mayaman na hindi na magtatagal ang buhay.

Hindi mo naitatanong, may hitsura ako. Marami akong manliligaw at kahit type ko sila, lahat sila’y binasted ko dahil ang pangarap ko’y maiahon ang pamilya ko sa kahirapan.

Sinubukan kong pumasok bilang GRO sa isang bantog na club. Pinuhunanan ko ang aking sarili para gumanda at matanggap. Matalino rin naman ako at puwedeng ikumpara sa isang nagtapos sa kolehiyo kaya madali akong natanggap.

Sa aking trabaho’y nakilala ko ang kung sinu-sinong lalaki. May negosyante, pulitiko at iba-ibang propesyon. Pero wala akong nakitang lalaking seser­yoso sa akin. Kahit maganda ako, ang akala ng mga lalaki’y masama akong babae.

Pinanindigan ko na lang ang pagiging GRO. Sa isang gabi, maliit ang kita kong P5,000. Ayaw ko namang ibenta ang aking pagkababae kaya nagkasya na lang ako sa pa-table-table.

Sa dalawang taong pagtatrabaho ko, naka-ipon ako ng sapat para magnegosyo. Nakapagtayo ako ng bahay sa maliit na subdivision at nakapagbukas ako ng maliit na convenience store. Tumigil na rin ako sa pagiging GRO dahil gusto ko’y isang disen­teng buhay.

Ngayo’y 30-anyos na ako at may masugid na manliligaw. Ordinaryo lang siya pero palagay ko’y love ko na siya. Sana’y magsilbing inspirasyon ang kasaysayan ko sa ibang babae.

Lyzel

 

Dear Lyzel,

Salamat sa Diyos at hinango ka Niya sa isang kalagayang puwedeng maging dahilan ng pagkapahamak mo.

Hindi dahilan ang sobrang kahirapan para ipagbili mo ang iyong karangalan. Napatunayan mo iyan nang magtrabaho ka bilang GRO pero hindi mo naman ibinenta ang iyong karangalan.

Hindi man puwedeng sabihing dapat tularan ang iyong ginawa, nakahanap ka naman ng paraan para maibaling sa marangal na gawain ang iyong sarili. Sana’y mahanap mo ang tunay na kaligayahan mula ngayon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR LYZEL

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

LYZEL

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with