^

Dr. Love

CA dismisses petition filed vs Gordon

- Mike Frialde -

Dear Dr. Love,

Malugod akong bumabati sa iyo at sa lahat ng mga masusugid mong tagasubaybay. Tawagin mo na lang akong Armando, 60-anyos.

Bagong kasal lang ako sa asawa kong si Mina, 20-anyos at maganda. Hindi ka maniniwala pero first time kong mag-asawa. May mga naging girlfriends ako noon pero puro panandalian lang.

Kay Mina ko lang nadama ang true love.  Hindi mo naitatanong, sa kabila ng edad ko, matikas ang pangangatawan ko at sasabihin mong ako’y 40-anyos lang.

Matagumpay din ako sa negosyo at matatawag na maykaya.  Kaya lang, kung minsan ay nakaka­ramdam ako ng takot. Bata ang aking asawa at baka dumating ang araw na makatagpo siya ng kasing-edad niya at pagtaksilan ako o iwanan.

Ano ang dapat kong gawin para mawala ang aking agam-agam?

Armando

Dear Armando,

Sana noon mo pa naisip iyan, bago kayo ikasal. Malayo ang agwat ninyo at baka dumating ang puntong sa labis mong katandaan ay hindi mo na maibigay sa kanya ang naibibigay mo ngayon.

Pero isa lamang posibilidad iyan at hindi nanga­ngahulugang mangyayari nga. Ang pag-ibig ay la­ging may lakip na tiwala.  Kaya ang isipin mo ay yung ngayon at huwag yung maaaring mangyari bukas.

Ibuhos mo sa kanya ang lahat ng pagmamahal na kaya mong ibigay para huwag siyang makaisip na pagtaksilan ka.

Dr. Love

vuukle comment

ARMANDO

DEAR ARMANDO

DR. LOVE

KAY MINA

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with