^

Dr. Love

Inilagay ko ang batas sa aking mga kamay

-
Dear Dr. Love,

Una sa lahat, nais ko pong ipaabot ang mainit at taus-pusong pagbati ng isang magandang-araw.

At sa anumang araw na mapasakamay ninyo itong liham na ito, dalangin ko na nawa’y parating nakaantabay sa inyong lahat ang gabay ng ating Panginoon.

Ako po ay isa sa masusugid na tagasubaybay ng inyong sikat na kolum at kaya sumulat ako sa inyo ay para mailathala ang mapait kong karanasan sa buhay.

Tubong Iloilo po ako. Taong 1988, nagkaroon ako ng sariling pamilya at naging maganda naman ang takbo ng aming pagsasama dahil magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Pagkaraan ng dalawang taon, nabiyayaan kami ng isang anak na babae. Pagkalipas ng dalawang taon, muli kaming biniyayaan ng isa pang supling.

Masayang-masaya ang aming pamilya. Naisipan naming magbakasyon muna sa probinsiya ng aking asawa dahil mahigit na apat na taon na kaming hindi nakakadalaw sa kanila.

Tamang-tama na bisperas ng pista nang sumapit kami sa bahay ng aking biyenan. Dinatnan naming masayang nag-iinuman ang aking bayaw kasama ang kanyang mga barkada.

Naging maganda naman ang pagsalubong nila sa aming mag-asawa. Ang hindi ko alam, ito pala ang maghahatid ng kapighatian sa aking buhay.

Dahil sa sobrang kalasingan, ang aking bayaw at kanyang barkada ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Nauwi ito sa gulo at sa pagkakataong ito, biglang pumagitna ang aking asawa para awatin ang aking bayaw na nakikipag-away sa kanyang mga barkada.

Isa sa mga miyembro ng barkada ang biglang nagbunot ng baril at pinaputukan ang aking bayaw at nadamay tuloy ang aking maybahay.

Sa pagkakataong iyon, hindi ko malaman ang aking gagawin. Parang pinagtakluban ako ng maitim na alapaap. Naging desperado ako sa buhay dahil sa pagkamatay ng aking asawa. Hindi ko matanggap ang nangyari lalo na kung nakikita ko ang dalawa kong anak. Napakabigat isipin ang nangyari sa aming buhay.

Sa hindi inaasahang pangyayari, muli kong nakatagpo ang mga barkada ng aking bayaw na pumatay sa kanya at sa aking maybahay.

Hindi ko mapigilan ang sarili hanggang sa mapatay ko ang isa sa kanila.

Ito ang dahilan kung bakit ako napasok sa piitan.

Hindi ko man hinangad ang pangyayaring ito, wala na akong magagawa. Tinanggap ko na ang mapait na insidenteng ito sa aking buhay.

Hangad ko na magkaroon ng mga kaibigan sa panulat kahit ako nasa ganitong kalagayan.

Marami pong salamat at God bless you.

Gumagalang,

Rizaldo Berbano

1-A Student Dormitory,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776


Dear Rizaldo,


Salamat sa liham mo at sana’y tanggapin mo rin ang mataos na pangungumusta ng pitak na ito.

Masakit nga ang karanasan mo lalo pa’t ang pakay ninyong pamimista ay nauwi sa pagkamatay ng asawa mo at bayaw.

Minsan pang napatunayan na ang sobrang pag-inom ng alak ay nakapagpapawala ng katinuan ng pag-iisip na nauuwi sa bayolenteng away.

Naganap na ang hindi inaasahan at sana, natanggap mo na rin ang pangyayaring wala na sa iyo ang kabiyak mo.

Ang higit na naging kawawa ay ang dalawa ninyong anak na marahil ay nasa pangangalaga ng iyong mga biyenan.

Nawala na ang iyong asawa, nabilanggo ka pa dahil inilagay mo sa iyong mga kamay ang batas.

Inaasahan ng pitak na ito na ipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral at sikaping makontrol ang damdamin sa mga sandali ng galit at itanim sa isip ang pagbabago.

Hangad ng pitak na ito na makatagpo ka ng mga kaibigan na magsisilbing inspirasyon mo sa buhay at huwag mong puputulin ang komunikasyon mo sa iyong mga anak na siyang naiwang alaala ng iyong asawa.

Pagbutihin mo ang pagbabago para mapadali ang paglaya mo.

Dr. Love

A STUDENT DORMITORY

AKING

AKO

ASAWA

CAMP SAMPAGUITA

DEAR RIZALDO

DR. LOVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with