^

Dr. Love

Pinsan ko karibal ko

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Amy. Let me be direct to the point. May relasyon ako sa boyfriend ng aking pinsan. Mabilis ang pangyayari. Basta na lang nagkaibigan kami ni Roy.

The problem is, tiwalang-tiwala sa akin ang aking pinsan. Madalas, pinababayaan kami ni Roy na lumabas. Kasi, ako ang nagsilbing tulay sa kanila.

But later, nahulog ang damdamin namin sa isa’t isa. Sinabi ni Roy na noon pa mang una, sa akin siya may gusto at hindi sa aking pinsan.

Pinakakatagu-tago namin ang aming relasyon. Kasi, itinakda na ang kanilang kasal. Gusto ni Roy na umatras sa kanyang commitment.

Kapag nalaman ito ng aking pinsan at ng aking mga kaanak, tiyak isusumpa ako. Ano ang gagawin ko?

Amy


Dear Amy,


Mag-ingat ka sa lalaking iyan. Mukhang taking advantage siya. Talagang isusumpa ka ng iyong mga kaanak dahil sarili mong pinsan ay ilalagay mo sa kahihiyan.

Dalawang bagay ang puwede mong gawin Una, kung hindi mo mapigil ang iyong pag-ibig kay Roy, sabihin mo sa kanya na makipagkalas sa iyong pinsan, lumantad kayo at ipagtapat ang totoo.

Kaya lang, tatagan mo ang sarili mo sa consequences ng inyong gagawin. Gaya ng sinabi mo, hindi ka man isumpa ay magtatanim ng malalim na galit sa iyo ang iyong pinsan at mga kamag-anak.

Pangalawang puwede mo gawin (na siyang mas pinapaboran ko), makipag-break ka sa lalaking iyan. Mahal mo man siya, sa tingin ko’y wala kang mapapalang mabuti sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DALAWANG

DEAR AMY

DR. LOVE

GAYA

KAPAG

KASI

KAYA

MABILIS

PINSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with