^

Dr. Love

Naguguluhan sa nararamdamang pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you and PSN staff.

I am Virlie of Quezon City, 20 years-old. Gusto ko pong humingi ng payo sa inyo tungkol sa manliligaw ko. Matagal na po siyang nanliligaw–mga apat na buwan na po. Araw-araw po siyang tumatawag at every other day naman kung puntahan niya ako. Minsan ay ako ang tumatawag sa kanya para kumustahin siya. Isa pa ay gusto ko kasing makilala kung anong klaseng tao siya. Kahit na hindi ko pa po siya sinasagot ay ipinakilala na niya ako sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Maganda naman ang pakikitungo niya sa akin. Okey din ang pamilya ko sa kanya kahit na hindi pa nila ito nakikita dahil nasa probinsiya ang pamilya ko.

Hindi naman niya itinatago sa akin na mayroon na siyang pananagutan. Matagal na po siyang hiwalay sa babaeng ina ng kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga niya ngayon. Hindi po sila kasal. May kasama na rin daw na ibang lalaki ang dati niyang ka-live in.

Sa apat na buwang walang tigil na panliligaw, nakita ko na nirerespeto niya ako at seryoso siya. Higit sa lahat, nararamdaman kong mahal niya ako. Nahihiya na nga po ako sa kanya dahil hindi ko maipangako sa kanya ang nararamdaman ko.

Hindi ko naman sinasabing hindi ko siya mahal. Naguguluhan lang talaga ako. Takot kasi ako na magkamali ng desisyon. Gusto ko munang malaman ang payo ninyo sa akin. Sana ay matulungan ninyo ako.

Verlie of Quezon City


Dear Verlie of QC,


Hindi naman sa tagal ng panliligaw ang pinagbabatayan kung dapat mo na ngang sagutin ang isang manliligaw. Ito ay base sa nararamdaman mo para sa kanya at kung ganap na kilala mo ang isang nanliligaw sa iyo.

Sa kaso ng manliligaw mo, hindi naman siya naglihim ng kanyang kalagayan sa buhay at ipakilala ka pa nga kamo sa kanyang pamilya, tanda na nais niyang kilatisin mo rin sila at makilala ka rin ng mga ito.

Kung naguguluhan ka kamo sa nararamdaman mo para sa kanya, huwag mo ng piliting sagutin siya. Maaaring ang inaalala mo ay ang pangyayaring instant nanay ka na agad dahil mayroon siyang dalawang anak.

Iyan nga ang malaking kuwestiyon. Kung kaya mong maging nanay sa kanyang mga anak at kung tatanggapin ka rin nila bilang stepmother nila, well and fine. Pero kung hindi mo sigurado, mayroon talagang problema.

Pero napag-aaralan lahat ang mga ito kung talagang mahal mo siya at hindi lang ikaw ang mahal niya.

Ikaw lang ang makapagpapasya kung iniibig mo nga siya nang walang alinlangan. Mahirap magbakasali.

Dr. Love

AKO

DEAR VERLIE

DR. LOVE

KUNG

MATAGAL

NIYA

PERO

SIYA

VERLIE OF QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with