^

Bansa

PANOORIN: Marcoleta, sinuspinde dahil sa kinahaharap na kasong plunder

Philstar.com

MANILA, Philippines — Iniutos ng Third Division ng Sandiganbayan ang 90-araw na preventive suspension ni Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng mga kasong plunder at paglabag umano sa Presidential Decree No. 46.

Sa resolusyong inilabas noong Oktubre 19, sinabi ng anti-graft court na magsisimula ang suspension sa oras na matanggap ni Marcoleta ang kautusan at awtomatikong matatapos lumipas na ang 90 araw.

Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyong nakapagtamo si Marcoleta ng P75 milyong ill-gotten wealth noong kinatawan pa niya ang SAGIP Party-List at hindi niya ito idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures.

Kabilang sa mga kapwa akusado ang dating mambabatas na si Mike Defensor at negosyanteng si Aristotle Viray.

Ayon sa korte, mandatory ang preventive suspension kapag napatunayang balido ang impormasyon. Dagdag din nito, magpapatuloy ang mga gawain ng Senado sa kabila ng suspension.

 

PLUNDER

RODANTE MARCOLETA

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with