^

Bansa

Delikadong lugar sa bansa na dapat iwasan, makikita sa Phivolcs website

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makikita na ngayon ng publiko ang mga delikadong lugar sa buong bansa na delikado sa mga kalamidad sa pamamagitan ng pag-access sa hazard maps ng Philip­pine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Mas mainam din itong tingnan muna ng mga nagnanais na magpatayo ng bahay sa isang lugar upang makaiwas na ang itatayong bahay ay nasa fault line, binabaha, madalas daanan ng bagyo at iba pang kalamidad.

Ayon sa Phivolcs, ang hazard map ay maaa­ring mai-download online sa ?gisweb.phivolcs.dost.gov.ph/hazardmap. Makikita rin sa hazard maps ang lugar na delikado sa tsunami, volcanic hazards, lahar hazard, earthquake-induced landslide at iba pa.

Sa sandaling puntahan ang link, lalabas ang mga rehiyon na pagpipilian ng gustong maka-access at makapag-download ng hazard map.

Ayon sa Phivolcs, ma­laking tulong sa publiko ang hazard map hindi lamang para sa pagtatayo ng  bahay kundi para gami­ting basehan sa disaster awareness, prevention, mitigation, preparedness at response plans ng lokal na pamahalaan.

Sinasabing dahil hindi na prayoridad ng iba ang pagtingin sa hazard map, ilang mamamayan ang nakabili ng lupa at nagtayo ng bahay sa ilalim ng faultline kayat nilisan nila ito para hindi madisgrasya at nasayang lamang.

vuukle comment

PHILIP­PINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with