^

Bansa

Lagay ng OFWs sa Saudi pinasisilip sa mga kongresista

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminumungkahi ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus na personal na magtungo ang mga kongresista sa Saudi para alamin ang kalagayan ng mga OFW doon.

Sinabi ni de Jesus na ang kaso ng domestic helper na si Agnes Mancilla na pinainom ng bleach ng amo ay isa lamang sa mahabang listahan ng pag-abuso sa OFWs na kailangan nilang tutukan doon.

Napapanahon na umano ang on-ground assessment ng mga mambabatas sa sitwasyon ng mga OFW sa Saudi Arabia para makita kung ano ang nararapat na intervention ng gobyerno para sa kanilang proteksyon.

Matatandaan na nag­hain ng House Resolution 625 ang Gabriela na nagsusulong ng parliamentary visit sa mga manggagawang Pinoy sa Saudi.

Dahil sa dumarami at lumalalang kaso ng pang-aabuso sa mga OFW ay hindi na umano maaaring manahimik at manood na lamang ang kongreso.

Kailangan na rin umanong silipin nila ang labor cooperation agreement sa pagitan ng Saudi at Pilipinas para mabigyang prayoridad  ang proteksyon ng OFWs sa halip na nakatutok lamang sa labor deployment.

GABRIELA PARTYLIST REP. EMMI DE JESUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with