^

PSN Showbiz

Daniel magpo-produce ng musical movie!

SANGA-SANGANDILA - Pilipino Star Ngayon
Daniel magpo-produce ng musical movie!
Daniel

Kasabay sa paghahanda nina Da­niel Padilla at Kathryn Ber­nardo ng kanilang huling pelikula kay Cathy Garcia Molina na may nakakatuwa at tongue twister na pamagat na The How’s of Us ay na­ipahayag din ng Teen King na gusto niyang mag­prodyus ng isang pe­likulang musical.

Kung gagawin niya ito para sa kanyang sarili o may mga artista siyang gusto niyang lumabas ay hindi pa niya mai­detalye. Sapat nang malaman na naghahanda siya sa isang panibagong hamon sa kanyang buhay sa showbiz.

Aga tutuhugin sina alice, Bea, at Lea!

Nakakalito na habang ginagawa nina Aga Muhlach at Alice Dixson ang kanilang movie sa Greenland, Denmark, ay tuloy pa rin ang paghahanda para sa reunion movie ng actor kasama si Lea Salonga. Baka mahuli pa ito sa isa pang project ni Aga kasama si Bea Alonzo, dahil nasa abroad pa si Lea at gumaganap sa isang stage musical. Pero, nakakatuwa na sa tagal ng ibina­kasyon ni Aga ay parang naghahabol ang mga producer ngayon na maigawa siya ng movies na iba-iba ang kapareha. At mahihinuhang mga love story ito na sana ay kagatin ng masa dahil tinanggap nila ang aktor sa Seven Sundays na isang family movie.

RK gaganap na putol na surfer

Si RK Bagatsing ang mapapakitang-gilas bukas sa episode ng Maalaala Mo Kaya. Hindi lamang ang mahusay niyang akting ang mamamalas after his superb performance sa Wildflower kung hindi maging ang hindi alam ng marami ay husay niya sa surfboarding. At ipamamalas niya ito sa pamamagitan ng isa lamang niyang kamay. Naaksidente kasi ang character niya sa istorya at naputulan ng kamay pero, hindi ito nakaapekto para mawalan siya ng gana sa sports na kinahiligan niya.

Kuwento ni Benson Logronio mula sa direksyon ni Raz dela Torre at tampok din sina Cris Villanueva, Maricel Morales, Gina Pareno, Crispin Pineda at marami pa.

Jungee Marcelo overwhelmed kay Gary

Nakakagiliw panoorin si Jungee Marcelo habang naghu-host ng TIMS (This Is My Song, This Is My Life) na napapanood tuwing Miyerkules ng hatinggabi sa GMA News TV. Overwhelmed siya sa presence ni Gary Valenciano na bisita niya two nights ago na alam kong isang repeat dahil napanood ko na ang episode a few weeks back pero, kagabi ko lang  nakita kung gaano ang respeto niya’t paghanga sa kanyang bisita na naging mahalagang bahagi siya nung nagsisimula pa lamang ito sa pagkanta.

vuukle comment

DA­NIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with