^

Probinsiya

Biker na lolo tinumbok ng rider, utas

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 67-anyos na lolong biker makaraang siyang matumbok ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang rider na sumemplang makaraan ang salpukan naganap sa kahabaan ng Molino Paliparan Rd., Dasmariñas City, ng lalawigang ito. 

Dead-on-arrival ang biktimang kinilalang si Prudencio Oriol, may asawa, at residente ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City habang ginagamot sa ospital ang sugatang suspek na si Mark Anthony Coloma, 29-anyos, taga-Mabalacat, Pampanga. 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang salpukan ng dalawa dakong alas-8:30 ng umaga ng mag-overtake ang nagbibisikletang si Oriol sa kotseng nasa unahan niya at hindi niya napansin ang mabilis na paparating na si Coloma sakay ng isang kulay asul na Suzuki Raider. 

Sa lakas ng banggaan ng dalawa ay tumilapon ang biktima habang sumemplang naman ang rider.

Kapwa itinakbo sa pagamutan ang dalawa ngunit idineklarang dead-on-arrival ang biktima.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with