^

Pang Movies

Boyet, nakalabas na ng ospital

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Boyet, nakalabas na ng ospital
Christopher de Leon

Thank God lumabas na ng hospital si Christopher de Leon last Saturday afternoon after ng check-up niya. Ayon sa message ng wife ni Bro. Bo na si Sandy Andolong, “checking out today. God is good!”  Siniguro lamang daw ng mga doctors niya na okey na ang lahat sa kanya at sa ngayon, need lamang niyang mag-rest pa bago muli siyang bumalik sa trabaho.

Lovi tuwang-tuwa sa bashers

Tinawanan na lamang ni Lovi Poe ang pamba-bash sa kanya ng mga AlDub fans na nagagalit dahil lagi raw silang magkatabi ni Alden Richards noong nasa Sikat Ka Kapuso show nila sa New Jersey, USA at sa Toronto, Canada.

“Tuwang-tuwa nga ako sa mga sumalubong na fans sa amin doon na nang makita ako, ang sabi nila Alex, bakla!! Nakakatuwa na pinapanood pala nila ang romantic-comedy series naming The One That Got Away (TOTGA) na kasama ko rin sa show ang leading man ko, si Dennis Trillo. Ay wala akong pakialam sa kanila, basta, nag-enjoy kaming lahat sa show at bonding kaming lahat, kasama sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Betong Sumaya, for GMA Pinoy TV. What’s important napasaya namin ang mga kababayan natin doon na naho-homesick na pero hindi makauwi dito dahil may trabaho sila roon. Salamat nang marami sa kanila, dahil napasaya rin nila kami sa panonood ng show. Amazed nga kami dahil ang laki-laki ng Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto na napuno nila.”

Sa TOTGA nga ‘babaeng bakla’ si Lovi as Alex at sa takbo ngayon ng story, parang siya na ang magiging mapalad na pinili ni Liam (Dennis) kaysa dalawa pa nitong ex-girlfriends sina Zoe (Rhian Ramos) at Darcy (Max Collins).

“Yes, at sana nga magtuluy-tuloy na ang story namin ni Liam dahil siya naman talaga ang mahal ko. Tapos na kami ni Gab (Renz Fernandez) na nalaman kong isa pala talagang bakla. Kaya hindi niya ako kini-kiss noong kami ang mag-syota, kasi pala ang gusto niyang i-kiss si Liam. Bumabalik siya muli at nakikipagkaibigan sa akin, ewan ko lamang kung ano ang talaga niyang intension, iyon ang aabangan natin,” natatawang dagdag ni Lovi.

Ang TOTGA ay napapanood gabi-gabi after ng Kambal Karibal.

Yasmien mas pinili ang asawa kesa sa anak

Malapit na ang pagwawakas ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka nina Yasmien Kurdi at Mike Tan, isang afternoon advocaserye sa GMA 7 tungkol sa HIV na nagtatampok din kay Gina Alajar bilang ang matapobreng ina ni Mike Tan. Sa press visit, natanong si Yasmien, sino ang kaya niyang iwanan kapag kailangan.

“Hindi ko po kayang iwanan ang asawa ko,” na ikinagulat ng mga kaharap niya dahil may anak sila, si Ayesha“Si Ayesha po kasi, kapag nagdalaga na siya, nagka-boyfriend, nagpakasal, iiwanan na niya ako, ang asawa ko, siya ang makakasama ko.”

After the soap, susundan na ba nila ang 5-year old na si Ayesha?

“Gusto ko pa pong umarte, kaya siguro after ng isa pang soap, pwede na naming sundan si Ayesha.”

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with