^

Metro

Lolo biniktima ng Budol-budol Gang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na lolo na si Leodegario Erguiza ng no. 80 Ems Barrio, Barangay Marulas, Valenzuela City ang dumulog sa pulisya makaraang mabiktima ng budol-budol gang kamakalawa ng hapon at matangayan ng halagang P15,000.

Kakukuha pa lamang ni Erguiza sa perang padala sa kanya ng kanyang kapatid sa isang sanglaan na may courier services sa may Pio Valen-zuela Street, Brgy. Marulas nang maganap ang krimen.

Paglabas sa establisimi-yento, isang babae at lalaki ang lumapit sa kanya na nagpakilalang kaklase umano ng  kanyang kapatid at kagagaling lamang buhat sa Canada.

Dito ibinigay sa kanya ng lalaki ang isang maliit na brown envelope na naglalaman umano ng US$100 at sinabihan siya na ilagay din sa loob ng kanyang pitaka. Dito siya nilito umano ng mga suspek nang kuwentuhan siya na ikakasal ang kanyang anak kinabukasan.

 Ipinakita naman sa kanya na isinama ang kanyang pera sa loob ng brown envelope at inilagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ibinigay sa kanya ang isang piraso ng papel na nakasulat ang umano’y mga pangalan nila at contact numbers saka nagsialis.

Nang inspeksyunin ng biktima ang brown envelope, wala pala itong laman at natangay na ang kanyang pera. Inikot naman ng biktima ang lugar ngunit hindi na mahagilap ang mga suspek.

vuukle comment

BUDOL-BUDOL GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with