^

Police Metro

3 sakay ng motor utas sa kotse

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
3 sakay ng motor utas sa kotse
Kinilala ang mga nasawi na sakay ng motorsiklo na sina Helen Langa Mendoza, 54; Julito Rolloque Garrido, 55; at Paul Angelo Panes, 27.
File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao na sakay ng isang motorsiklo matapos na sumalpok sa kasalubong na kotse naganap kamakalawa sa Cogon, Kapatagan Provincial Road, Binaton, sa Digos City, Davao del Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sakay ng motorsiklo na sina Helen Langa Mendoza, 54; Julito Rolloque Garrido, 55; at Paul Angelo Panes, 27.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang aksidente dakong alas-10:00 ng umaga ay binabaybay ng isang kotse na minamaneho ng isang Ian Jose Hapol Ba­yona ang nasabing highway nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa paparating na motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon ang tatlong sakay ng motorsiklo na agad ikinasawi ng mga ito.

Nasugatan naman sa loob ng kotse ng suspek sina Junrey Bangay, 10; Jayrolden Bangay, 15; Catherine Bayona, 37, Rhian Bayona, 3; at Frea Layaga, 17 na pawang ginagamot sa ospital.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with