^

PSN Showbiz

Lovi napansin ng canadian-american actor na si Torrance Coombs

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Lovi napansin ng canadian-american actor na si Torrance Coombs
Lovi

Panalo ang outfit ni Lovi Poe habang nasa New York siya. Ang daming positive comments at pati nga ang Canadian-American actor na si Torrance Coombs, napa-comment. Hindi lang namin mahanap ang comment nito sa pasabog na outfit ni Lovi.

Pina-follow ni Lovi si Torrance sa Instagram (IG), kaya laking tuwa nito nang i-follow din siya ng actor na napanood sa The Tudors at Reign. Mula noon, nagko-comment at nagla-like na ang aktor sa post ni Lovi at ang pinaka-latest nga ay itong black outfit ni Lovi habang nasa New York.

Pauwi na sina Lovi at mga kasama, maliban kay Alden Richards na dadalo pa sa Gala ng 2018 New York Festivals World’s Best TV and Films na gaganapin this Tuesday sa Las Vegas. 

Sa napanood namin, advance ang taping ng The One That Got Away, hindi maaapektuhan ang takbo ng story kundi muna sila magti-taping habang wala pa sina Lovi at Dennis Trillo

Samantala, pinagseselosan din si Lovi ng ibang AlDub fans dahil magkasama sina Lovi at Alden Richards sa katatapos na Sikat Ka Kapuso sa New Jersey at Toronto. Nabasa namin ang comments na dikit daw nang dikit si Lovi kay Alden, kaya lumayo siya sa aktor.

May nag-comment pa na kung ayaw ni Lovi na matikman ang bagsik ng fandom, umayos siya. Para raw wala itong boyfriend kung makadikit kay Alden. Si­guradong pati ‘yung paghagod ni Lovi sa likod ni Alden nang ubuhin ang aktor habang nasa airport sila palipad for Toronto ay minasama rin ng fans.

May mga nagsabi namang fake AlDub fan ang mga nang-away kay Lovi at nag-utos na layuan nito si Alden. Hindi na sumagot si Lovi, pero bakit kailangan niyang layuan si Alden, kaibigan niya ito at kapwa Kapuso? Hindi rin malayong magkasama sila sa future shows ng GMA 7.

Philip napapayag ni Jolo 

Balik-pelikula si Philip Salvador at ito’y sa 72 Hours episode ng action movie ng Imus Productions. Nag-shooting na si Philip at kaeksena pa yata niya si Tirso Cruz III, kaya ang pakilala sa kanila ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na bida sa episode ay “With the Legends of Philippine Ci­nema, Tirso Cruz and Philip Salvador.”

Ang tagal ding hindi gumawa ng pelikula ni Philip at malaking bagay sa pagpayag nito si former Senator Bong Revilla. Kasama rin sa 72 Hours si Albert Martinez as the main contravida at si Rhian Ramos na leading lady ni Jolo. Sa direction ito ni Dondon Santos.

Pansin lang namin, ang episode lang ni Jolo ang nababasa at nababalita. Nagsu-shooting na rin kaya sina Bryan Revilla at Luigi Revilla at sinu-sino ang kasama nila?

Magkakaibigang aktor napaniwalang first love ng aktres!

Nag-aakuan ang magkakaibigang aktor kung sinu-sino sa kanila ang unang naging boyfriend ng isang sikat na aktres. Sabi ng magaling na aktor, siya ang first BF ng aktres. Sabi ng isa pang aktor, siya ang unang boyfriend ng aktres, ‘yun pala ay pareho silang mali.

Nakausap namin ang isa pang aktor na na­ging BF din ng aktres at tinanong namin kung kailan siya nakarelasyon ng aktres at sinabi naman nito. Sa tanong namin kung sino ang first BF ng aktres, nagulat kami sa sagot ng aktor.

Wala pala sa mga aktor ang unang boyfriend ng aktres dahil member ng isang banda ang unang minahal ng aktres. Hahaha! Mali pala ang mga umakong aktor na sila ang first boyfriend ng aktres dahil naunahan sila ng isang band member.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with