^

Police Metro

Retired PNP General todas sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi sa suffocation sa loob ng banyo ang isang retiradong heneral ng Philippine National Police matapos ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na natagpuan sa loob ng banyo ng kanyang bahay sa #23 Jupiter Avenue cor. Comet Street sa Brgy. Bel-Air Village, Makati ay si Joven Gongora, 76-anyos.

Batay sa ulat ng Makati City Fire Department, bandang alas-10:45 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ni Gongora na mabilis umakyat sa ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong alas-11:30 na ng gabi.

Sa ginawang “mapping operation”, natagpuan ang bangkay ni Gongora sa loob ng banyo ng kanyang bahay kung saan nagkulong siya para mailigtas ang sarili ngunit nasawi pa rin dahil sa matinding usok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with