^

Police Metro

MPD drug ops: 6 totdas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang anim na drug suspects nang manlaban umano sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng Manila Police District (MPD) kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Maynila.

Napatay dakong alas-12:48 ng madaling araw ng MPD-Station 2 si Frankie Neri, 30-35, ng Bldg. A Sambahayanan, Kagitingan St., Tondo nang manlaban umano sa mga pulis sa buy bust operation sa Moriones St., Tondo at ala-1:30 ng madaling araw ang magkapatid na sina Rolando Morales, 43 at Restituto, 35, ng no. 297 Sta. Rita St., Tondo; at Marvin Varona, 25, ng Sta. Bernardita St., Tondo.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril at 14 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kahapon ng alas-11:45 ng umaga nang mapatay ng MPD-Station 3 sina Manuel Aromiro, alyas “Mano”, 51, ng No. 831 Sulu St., Sta. Cruz; at si Raymart Mendoza, 20, ng no. 2888 Tambunting St., Sta. Cruz, Maynila at nakuha sa kanila ang dalawang kalibre .38 baril, buy bust money at hinihinalang shabu na aabot sa halagang P3,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with