^

Bansa

Trump binati ng Palasyo

BAKAS! - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Maging ang Malacañang ay nagpahatid na rin kahapon ng pagbati sa matagumpay na  ika-45th presidential inauguration ng Amerika kung saan nanumpa bilang bagong pangulo si US President Donald Trump.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, binabati nila ang mga mamamayan ng Amerika dahil sa matagumpay na  inagurasyon ng kanilang bagong presidente.

Sinabi pa ni Abella na umaasa ang Malacañang na makatrabaho nang maayos ang bagong administrasyon base na rin sa pagpapakita ng mutual respect at benefit.

Idinagdag ni Abella na hangad ng Malacañang na magtagumpay si Trump sa susunod na apat na taon ng administrasyon nito.

Naniniwala ang Malacañang na ang mga bagong foreign policy ng Amerika ay magdudulot ng maayos na relasyon sa mga kaalyado nitong bansa katulad ng Pilipinas.

vuukle comment

PRESIDENT DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with