^

PSN Showbiz

Pati mga mahal sa buhay itinakwil na aktres alipin, nabiktima ng gayuma ng guy na kinakasama!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malungkot ang naging Kapaskuhan ng isang babaeng personalidad na hindi man lang naalalang batiin ng mga taong inaasahan niyang makaka-bonding sa mahalagang okasyong ito.

Meron naman siyang nakasama, ang mga itinuturing niyang kaibigan na biglang sumusulpot at nangawawala rin, saka ang lalaking pinagtatakahan ng marami kung ano ang ipinakain sa kanya kaya hindi niya maiwan-matalikuran.

Kuwento ng aming source, “’Yung mga inaasahan niyang dadalaw sa kanya para makasama niya, e, nag-usap-usap na. Hanggang nand’yan pa rin sa buhay niya ang lalaking isinusuka nila, e, walang mabubuong relasyon.

“Hindi lang naman kasi ang ibang tao, sila mismo, windang na windang na sa kaiisip ng dahilan kung bakit hindi maiwan-iwanan ng girl ang lalaki. Ano ba ang meron ang taong ‘yun para hindi maitapon ng female personality!

“Sa totoo lang, wala namang magandang nagagawa sa kanya ang presence ng guy, ‘yun ang dahilan kung bakit nilayuan siya ng mismong pamilya niya, ng mga kaibigang nagmamahal sa kanya, bakit nga ba?

“Isa lang ang pinaniniwalaan niya, ‘yung lalaki, wala nang iba. Basta involved na ‘yung guy, asahan mo nang nakatakip na ang mga mata niya, sarado na ang utak niya, sinungaling na ang iba at ang lalaking ‘yun lang ang tama kaya kinakampihan niya.

“Kaya hanggang nand’yan pa si ____(pangalan ng lalaki), e, wala siyang maaasahang pagkabuo ng family niya, hindi pa rin niya makakasama ang mga anak niya, ‘yun ang totoo!” madiing kuwento ng aming impormante.

Isang salita lang pala kasi ng lalaki ay parang naliligalig na ang female personality, magtaas lang ng boses ang guy ay nawiwindang na ang aktres, lahat ng gustong mangyari ng lalaki ang kailangang maganap.

Pagtatapos ng aming source, “Ibang klase ang magic na meron ang guy na ‘yun para makuha niya nang sobra-sobra ang tiwala at attention ng girl. Parang utos ng hari ang mga salita niya, hindi ‘yun mababali, sunud-sunuran lang sa kanya ang female personality kahit mali na ang mga sinasabi ng mahal na mahal niyang guy!”

Ubos!

INC inimbyerna Nora nagpalit na naman ng relihiyon

Usapin ng relihiyon ang ipinupukol ngayon kay Nora Aunor. Mula sa pagiging Katoliko mula nang siya’y maging tao at sa minsan-makalawang pagdalo sa mga gawain ng INC (Iglesia Ni Cristo) ay nagdesisyon nang umanib sa Ang Dating Daan ang Superstar.

Ang bawat tao ay may karapatang pumili ng relihiyon, may kilala kaming pamilya na magkakaiba ang kanilang pananampalataya, pero buung-buo pa rin ang respetuhan at pagmamahalan nila.

Sa isang malaking pagtitipon na dinaluhan ng mga opisyales at miyembro ng Ang Dating Daan ay nagsalita si Nora, sinabi niya ang kanyang mga saloobin tungkol sa pinanggalingan niyang relihiyon, tinawag niyang Iglesia Ni Manalo ang INC.

Natural, nang-imbita ng mga negatibong komento ang mga naging rebelasyon ng aktres, maraming nagpaalala sa kanya na walang masama sa pagbabago ng pananampalataya pero dapat ay hindi siya nagsasalita nang laban sa ibang relihiyon.

Karapatan niyang pumili ng sektang gusto niya, pero sana’y gawin niya ‘yun sa paraang hindi siya nakakapanakit ng damdamin ng mga miyembro ng mga relihiyong pinapansin-kinukuwestiyon niya ang sistema, ‘yun ang ibinabato pabalik ngayon sa Superstar.

Pag-alala ng isang dating malapit sa aktres, “Ewan kung ano’ng nakain niya. Okey lang namang sumanib siya sa bagong relihiyon, pero sana, ‘yung pananampalatayang kinamulatan niya, e, huwag na niyang ganyanin pa.

“Ang kuwarto niya nu’n, e, punumnpuno ng mga rebulto, sagradong Katoliko ang mga magulang niya, lumaki siya sa pagiging Katoliko. Hanggang du’n na lang sana, huwag na niyang pakialaman pati ang mga pari.

“Tinawag niyang Iglesia Ni Manalo ang INC, natural, sino ang matutuwa sa kanya? Binanggit pa niya ang donasyon, e, kalakaran na naman talaga ang pagbibigay ng ikapu.

“Inaantok daw siya sa pakikinig sa gawain ng INC, hindi na sana siya nagsalita ng ganu’n para lang palakpakan siya ng mga taga-Ang Dating Daan na matagal nang kakontra ng Iglesia Ni Cristo,” napapailing na pahayag ng dating malapit sa Superstar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with