^

PSN Palaro

Giyera ng magkapatid sisiklab sa Philippine Arena

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Philippine Arena, Bocaue, Bulacan)

3 p.m. Mahindra vs Blackwater

5:15 p.m. Ginebra vs Star

MANILA, Philippines – Inaasahang magiging maaksyon ang pagtutuos ng magkaribal na Barangay Ginebra at Star para sa kanilang ‘Manila Clasico’ sa Araw ng Pasko.

Maghaharap ang Gin Kings at Hotshots nga­yong alas-5:15 ng hapon matapos ang bakbakan ng Blackwater at Mahindra sa alas-3 sa 2016-2017 PBA Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Pupuntiryahin ng Star ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada laban sa Ginebra, nanggaling sa 86-101 pagyukod sa Alaska.

Makaraang buksan ang komperensya sa 0-2 ay magkakasunod na pinabagsak ng Hotshots ang NLEX Road Warriors, 99-75, Phoenix Fuel Masters, 123-79 at Rain or Shine  Painters, 99-91.

Sasandalan ng Star sina Paul Lee, PJ Simon, Mark Barroca, Marc Pi­n­g­ris, Allein Maliksi, Aldrech Ramos at rookie guard Jio Jalalon, habang itatapat ng Ginebra sina Mark Ca­guioa, Jayjay Helterbrand, Sol Mercado, Joe Devance, Scottie Thompson at rookie Kevin Ferrer.

Samantala, pakay naman ng Elite ang kanilang pangatlong sunod na ratsada sa pagsagupa sa Floodbusters.

Nagmula ang Blackwater sa 99-91 paggupo sa Globalport noong Miyer­kules para sa kanilang pa­ngalawang dikit na tagumpay.

“We wanted to give ourselves a chance to be in the Top Two and have a good Christmas this year,” sabi ni Elite coach Leo Isaac na muling aasa kina rookie Mac Belo, Arthur Dela Cruz, Ronjay Buenafe, John Pinto at 2016 PBA No. 1 overall pick Raphael Banal.

Dahil may nauna nang nagpareserba sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena sa Pasay City ay idaraos ng PBA ang nasabing double-header sa Philippine Arena.

Umaasa ang PBA na hindi man malampasan ay mapapantayan ng nasabing dalawang laro ang all-time attendance record high na 52,612 sa PBA Season 40 opener noong 2014.

Iyon ang tanging pagkakataon na ginawa sa Iglesia Ni Cristo-owned structure ang PBA games na nagtampok sa debut ni Mahindra playing coach Manny Pacquiao kontra sa Blackwater at ang pagtatapat ng Ginebra at TNT Katropa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with