^

Probinsiya

2 baby todas sa sadistang amain

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit ng batang magkapatid sa kamay ng live-in partner ng kanilang ina nang sadyang patayin sa gutom ang anak-anakan nito na 5-buwang sanggol habang pinagbubugbog at ginahasa pa ang kapatid nitong 3-anyos na babae sa Brgy. Lugsad, Calabanga, Camarines Sur noong nakalipas na linggo. 

Sa ulat ng Camp Simeon Ola, namatay ang batang si Jennelyn Malaya habang ginagamot sa Bicol Medical Center sa Naga City dahil sa matitinding sugat sa ulo, mga paso ng sigarilyo at bugbog sa katawan samantalang patay na rin nang matagpuan ng mga pulis ang kapatid nito na 5-buwang sangol na pinaniniwalaang nakaranas ng matinding pagkagutom sa loob ng kanilang bahay nang sadyang hindi padedehin ng suspek na si Marlon Estefanio, nasa hustong gulang at kinakasama ng kanilang ina na si Lima Malaya alyas Catherine.

Sa salaysay ni Cathe­rine, ilang beses umanong ginahasa ng kanyang live-in partner ang 3-anyos na anak nito sa kanya mismong harapan at saka sinasaktan pero wala siyang magawa kundi umiyak dahil hindi makakilos makaraang maparalisa ang kalahati niyang katawan sanhi ng panganganak sa kanyang bunso sa unang asawa. Aniya, maging siya na kahit may karamdaman ay binubugbog ng kinakasama.

Sa operasyon ng Calabanga Police, nahuli sa barangay ang suspek at sinampahan na ng patung-patong na kaso na nakakulong ngayon sa Tinangis Penal Farm sa Bgy.Tinangis, Pili, nasabing lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with