^

Pang Movies

Miss Germany pinasikat ng mga Pinoy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hot topic pa rin sa mga Pinoy ang victory ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015 at ang mga sidelight tulad ng pralala ng nameless na si Miss Germany na hindi raw si Miss Philippines ang ibinoto ng 77 candidates na talunan at ginawang mga hurado.

Dahil sa pagmamaliit ng bruha kay Pia, pinasikat siya ng mga Pilipino dahil pinuputakti ang hitad ng mga pagbatikos. Hindi ko talaga pinangalanan ang kababayan ni Hitler dahil hindi ako magpapagamit sa kanya para sumikat siya.

Alma sabit sa kontrobersiya ni Pia

Pati ba naman si Alma Moreno, kailangang isabit sa kontrobersya ng Miss Universe victory ni Pia Wurtzbach?

I’m sure, fake ang Twitter account ni Alma dahil hindi naman siya bobita para i-congratulate si Pia Cayetano!

Pinaglaruan lang si Alma ng isang Pinoy na walang magawa na matino at hindi maka-get over sa nangyari sa guesting niya noon sa show ni Karen Davila.

Huwag sanang paniwalaan ng mga mabilis na malinlang ang fake Twitter account ni Alma. Tantanan n’yo na siya at tigilan na ang pagkakalat ng hashtag AlmaMatters!

Host ng Miss U lasing daw kaya wala sa sarili noong coronation night

Nag-sorry na si Steve Harvey sa kapalpakan na ginawa niya sa coronation night ng Miss Universe noong Linggo sa Las Vegas pero ayaw siyang tigilan ng kanyang detractors.

Lumabas kahapon sa isang entertainment website ang litrato ni Harvey  na nagsusugal noong Biyernes sa isang casino sa Las Vegas.

Binigyan ng malisya ang pagsusugal ni Harvey dahil sa report ng TMZ.com, may insinuation na nalasing siya kaya may mga naghinala na hindi pa nawawala ang kanyang kalasingan nang maging host ng Miss Universe ang American stand up comedian.

“Steve Harvey hit the high-end roulette table in Vegas to kick off the Miss Universe weekend.

“TMZ obtained these pics, taken Friday night at Caesars. It was the big boy’s table ... $25 minimum.

“Our sources say Harvey was back at the table Sunday just hours before the pageant began. We’re told he had a few drinks and didn’t win or lose big.Gotta say ... he looks baller.”

Everything happens for a reason - Miss Colombia

Kahit napahiya siya sa buong mundo, pinilit magpakatatag ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arevalo na nag-dialogue na “Everything happens for a reason.”

Kung anuman ang reason na tinutukoy ni Arevalo, hindi pa rin niya alam o malalaman pero isang bagay ang sigurado, hindi mangyayari ang kahihiyan kung naging maingat si Harvey.

Kumalat kahapon ang video ng pag-awat kay Pia ng ibang mga kandidata para hindi siya makalapit sa umiiyak na si Miss Colombia.

Iba’t-iba ang interpretasyon ng mga nakapanood sa pagpigil kay Pia kaya ito lamang ang makapagsasabi sa tunay na nangyari.

Kitang-kita sa video na mga kapwa Latina ang nakapaligid kay Miss Colombia na tinutulungan nila na makalamay ang kalooban.

Walang ibang intensyon ang paglapit ni Pia na gusto lamang tumulong sa pag-comfort kay Miss Colombia na may shortest reign bilang Miss Universe.

Dapat ma-realize ng mga ignorante na bumabatikos kay Pia na wala itong kasalanan at tulad ni Miss Colombia, biktima rin siya ng “human mistake” ni Harvey. Huwag na silang magpaapekto dahil naka-move on na si Miss Colombia. In short, huwag OA ang mga nakikisawsaw sa isyu.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

LAS VEGAS

MGA

MISS

MISS COLOMBIA

MISS UNIVERSE

PIA

PIA WURTZBACH

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with