^

PSN Showbiz

Ibinuko ng aktres Sam urong-sulong sa panliligaw kay Maja

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napapabalitang nagkakamabutihan na diumano sina Maja Salvador at Sam Milby ngayon. Napapansin kasi ang pagiging malapit sa isa’t isa ng aktor at dalaga. “Hindi ko nga po alam kung saan galing ang balitang iyan pero magka­ibigan kami ni Sam and mayroon kasi ka­ming group na nagkakausap sa isang phone app kaya siguro gano’n,” nakangi­ting bungad ni Maja.

Hindi naman daw mahirap na magustuhan si Sam ng mga babae dahil sa ilang mga katangian ng binata. “Ma­bait, gentleman si Sam. Urong-sulong,” natatawang pahayag ni Maja.

Posibleng ang panliligaw siguro ng aktor ang tinutukoy ng dalaga sa katagang ‘urong-sulong’.

Samantala, isa si Maja sa mga napipisil ng netizens online sa mga kwalipikadong aktres na gumanap bilang Darna kaya malaki ang pasasalamat ng aktres dito. “Salamat sa kanila kasi isa ako sa naiisip nila para sa Darna. Napaka-iconic ng role na ‘yan at ma­laking responsibility ‘yan dahil ilan na sa malala­king names sa showbiz ang gumanap sa role ng Darna,” pagtatapos ni Maja.

Robi tameme sa pagho-host ng girlfriend na si Gretchen Ho

Nagho-host na rin ngayon ng ilang mga prog­rama sa telebisyon ang kasintahan ni Robi Domingo na si Gretchen Ho. Bilang bihasa na sa hosting si Robi at bilang baguhan naman sa industriya si Gretchen ay hindi na raw kinakailangan na bigyan ng tips ng aktor ang nobya upang maging magaling na TV host. “My piece of advice, I have nothing to tell her. She has been becoming great at her craft and I have to tell everyone she has really worked hard for her spot so she deserves it. Whatever happens, I’ll be supporting her,” nakangiting pahayag ni Robi.

Kahit parehong hosting ang ginagawa ng magkasintahan ay magkai­bang-magkaiba naman daw ang mga manonood ng kanya-kanyang programa.

Wala naman daw magiging problema sa aktor kung sakaling magkasama sila ni Gretchen sa isang programa. “It depends with the bosses. I’m comfortable naman with anything and everyone. If Gretchen will be on the same show with me, parang nagtatrabaho lang kami, nagde-date pa kami. So okay na okay ‘yun,” pagtatapat ng binata.

Mas marami ang ginagawang programa ni Robi kumpara kay Gretchen pero napapanatili raw ng aktor na nakabalanse ang kanyang trabaho sa perso­nal na buhay. “With everything you just have to stick to your core even. Even you have a lot of things to juggle as long as you know your core, you won’t get lost,” makahulugang pahayag ng aktor.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DARNA

GRETCHEN

GRETCHEN HO

IF GRETCHEN

MAJA

MAJA SALVADOR

ROBI

ROBI DOMINGO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with