^

PSN Showbiz

Fans nina Maya at Sir Chief nabuhay dahil sa MMFF movie!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mas lumakas pa ang movie na ipinas­ya ni Kris Aquino na huwag nang gawin. Hindi pa naman kasi bumibitaw ang followers at fans ng Be Careful With My Heart tandem na sina Ri­chard Yap at Jodi Sta. Maria na papalit umano kina Kris at QC Mayor Herbert Bautista. Marami na ring fans si director Antoinette Jadaone na bu­ma­lik ang excitement sa pagkakatuloy ng movie na maganda at catchy ang title na All You Need is Pag-ibig.

Hinahanap lang naman ng mga manonood ng MMFF (Metro Manila Film Festival) ang kagandahan ng istorya at chemistry ng magkapartner na artista.

Meron na nito sina Maya (Jodi) at Sir Chief (Ri­chard). Kaya makakaasa tayo ng isang magandang project. Kailangan ay maghintay na lamang kayo.

Pia hindi dapat ma-pressure sa Miss U

Ma-pressure man si Pia Wurtzbach, ang ating Bb. Pilipinas sa pananalo ni Ann Colis bilang Miss Globe, bentahe rin niya na baka maging magandang buwena mano ito para masungkit ang Miss Universe crown.

Mas makukuha niya ang interes ng international audience and judges sa naging victory ni Ann Colis.

JC sana makahanap na ng mamahalin

Inspired si JC de Vera sa kanyang bagong kare­lasyon na non-showbiz. Ito raw ang nagbibigay sa kanya ng happiness sa kanyang work. Sana nga, kilala kasi siyang mabilis mawalan ng interes sa mga babaeng natitipuhan niya, artista man o hindi.

Marami ang na-disappoint nang bigla siyang magbago ng nililigawan gayong nagsisimula pa lamang silang mapag-usapan dati ni LJ Reyes.

 

vuukle comment

ACIRC

ALL YOU NEED

ANG

ANN COLIS

ANTOINETTE JADAONE

BE CAREFUL WITH MY HEART

JODI STA

KRIS AQUINO

MARAMI

MAYOR HERBERT BAUTISTA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with