^

PSN Showbiz

Andi gustong bumalik sa eskuwelahan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napakaganda at mala-anghel ang almost three-year-old daughter (by actor Albie Casino) ni Andi Eigenmann na si Ellie (Adrianna Gabriella) na meron na ring sariling product endorsement.

Hindi kaya nagi-guilty ang ama ni Ellie na si Albie na hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikilala ang sarili niyang anak?

Kung tutuusin, hindi na bothered si Andi na kilalanin pa ng kanyang ex-boyfriend ang sarili nitong anak. Mag­katulong ang mag-inang Jacklyn Jose at Andi sa pagtataguyod kay Ellie na balang araw ay hindi imposibleng pasukin na rin ang mundo na ginagalawan ng kanyang mga magulang at mga kaanak.

Si Ellie ay isinilang ni Andi nung Nov. 23, 2011.

Given the chance, gusto rin ni Andi na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. May interes siya sa journalism, filmmaking, at screenwriting.

Talentado… dapat gayahin ang Singing Bee

Mukhang malabo pang matuloy ang muling pagre-revive ng reality  talent search na Talentadong Pinoy ng TV5 dahil gusto ng original host ng programa na si Ryan Agoncillo na ang original team ang gusto niyang makasama, ang director na si Rich Ilustre at ang writer na si Paolo Bus­tamante na pareho nang may ibang trabaho ngayon.

Ang Talentadong Pinoy ay isa sa mga consistent top-rating programs ng TV5 bago nawala sa ere August of last year.

Pero kung gugustuhin naman ng TV5 na i-revive ang Talentadong Pinoy, they can have a new host bukod kay Ryan at different production team dahil nasa Kapatid Network naman ang rights ng programa.

The Singing Bee was first hosted and identified with actor-director Cesar Montano pero nang ito’y i-revive ng ABS-CBN, kinuha nila sina Amy Perez at Roderick Paulate to host the show na ginawa pa nilang daily pero wala namang naging epekto.

Kring-Kring tuloy ang pagnenegosyo

Sa kabila ng pagiging isang committed public servant (as councilor) at first lady ng Tacloban City (bilang maybahay ni Mayor Alfred Romualdez), tuluy-tuloy pa rin ang pagiging negosyante ni Kring-Kring Gonzales-Romualdez sa pamamagitan ng kanyang Cristina’s Salon and Spa (na matatagpuan sa Romualdez St. ng Tacloban at sa Robinson’s Tacloban), tuluy-tuloy pa rin ang ma­gandang takbo ng kanyang Patio Victoria Restaurant and Events Place na matatagpuan sa kanto ng Gen. Luna at Victoria Sts. sa Intramuros, Manila now celebrating its 12th year anniversary.

For inquiries, mangyari lamang na tumawag sa teleponong 526-1953 o ‘di kaya mag-email mismo kay Kring-Kring sa [email protected].

vuukle comment

ADRIANNA GABRIELLA

ALBIE CASINO

ALFRED ROMUALDEZ

AMY PEREZ

ANDI

ELLIE

SINGING BEE

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with