^

Metro

Police striker patay sa ‘Oplan Sita’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-anyos na “striker” ng  Baseco Police Community Precinct nang pagbabarilin ng tatlong lalaki na sakay ng tricycle na kaniyang hinabol matapos dedmahin ang pagpapahinto ng pulis sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Jefferson Barrel, utility boy ng Baseco PCP, residente ng no. 3192 Int. 9 Pilar St. Tondo, Maynila dahil sa apat na bala na tinamo sa katawan.

Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng mga suspek na tumakas sakay ng hindi naplakahang tricycle.

Sa ulat ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 9:45 ng gabi nitong Biyernes nang maganap ang insi­dente sa 2nd st., Port Area.

Nabatid na isinama ang biktima ng mga ope­ratiba sa isinagawang “Oplan Sita” at nang dumaan ang tricycle na sakay ang tatlong suspek ay pinara ito ni PO2 Abel Sadiosa subalit sa halip na huminto ay tuloy-tuloy lang na pinatakbo ang tricycle kaya hinabol naman ito ng biktima na sakay ng motorsiklo.

Ilang segundo lang ay nakarinig na umano ng sunod-sunod na putok ang mga pulis at pinuntahan na ang biktima na inabutang naghahabol na ng hininga.

Agad siyang dinala sa nasabing ospital su­balit bandang alas-11:10 ng gabi ay idineklara na siyang patay.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng tatlong suspek.

vuukle comment

ABEL SADIOSA

BASECO POLICE COMMUNITY

JEFFERSON BARREL

JOHN CHARLES DURAN

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OPLAN SITA

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with