^

Pang Movies

Cedric at Zimmer inakala raw NPA ang NBI kaya kumaripas ng takbo sa tinutuluyang bahay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Imbyerna kina Cedric Lee at Simeon “Zimmer” Raz, Jr. ang supporters ni Vhong Navarro dahil sa press release nila na kusa ang kanilang pagsuko sa NBI agents at hindi sila hinuli sa Oras, Eastern Samar.

Nagagalit ang madlang-bayan dahil pinagmumukha raw sinungaling nina Cedric at Zimmer ang NBI na pinanindigan ang kanilang statement na dinakip nila sa Eastern Samar ang dalawang akusado sa pang-uumbag kay Vhong.

Naloloka rin ang mga tao sa pralala nina Cedric at Zimmer na tumakas sila sa bahay na tinutuluyan nila sa Dolores, Eastern Samar dahil sa maling akala na NPA members ang sumalakay sa kanila?

Ang tanong ng bayan, natakot sa NPA ang dalawa pero hindi nila kinatakutan ang mga alagad ng batas na naghahanap sa kanila?

Direk Chito napansin ang branded shirt nila Cedric at Zimmer

Natawa ako sa comment ni Chito Roño tungkol sa magkaparehong t-shirt na suot nina Cedric at Zimmer nang umapir kahapon ang dalawa sa NBI.

Original daw ang Burberry T-shirt na suot ni Cedric at fake naman ang Burberry outfit ni Zimmer.

Paano kaya nalaman ni Chito na peke ang Burberry T-shirt ni Zimmer sa pamamagitan ng pagtingin sa picture?  Baka nagkamali ng akala si Chito dahil itinaas lang ni Zimmer ang collar ng T-shirt nito?

Cedric at Zimmer naka-couple shirt nang madakip ng awtoridad

At least, may bagong anggulo ang pagkakadakip kina Cedric at Zimmer noong Sabado habang nagaganap ang presscon ng So It’s You sa penthouse ng Imperial Palace Suites.

Pinag-uusapan ang identical shirts nina Cedric at Zimmer as in binibigyan ng malisyosong kahulugan ang kanilang mala-Korean couple na pananamit.

Mahilig ang mga magdyowang Koreano na magsuot ng damit na terno. Nalaman ko ‘yan nang magbakasyon ako noon sa Shangri-La Mactan Cebu. Na-sight ko ang maraming Korean couples na terno ang damit, mula T-shirt hanggang shorts. Isa raw ‘yon sa expression ng pagmamahalan nila.

Mga nambugbog kay Vhong itinago raw ng mga pulis sa Bicol

Lumitaw ang tsismis na may police escort sina Cedric at Zimmer nang magtago sila sa Bicol noong Holy Week.

Gustong malaman ng mga usisero at usisera ang katauhan ng police escort ng dalawa. Dapat daw na managot sa batas ang pulis dahil sa pagbibigay nito ng proteksyon sa mga akusado. Alam niya na may arrest warrant sina Cedric at Zimmer, tinulungan pa niya na magtago. That’s so unfair ‘no!

WInwyn pang beauty queen na ang ganda at kaseksihan

Si Winwyn Marquez ang happiest girl kahapon dahil kumpleto ang pamilya niya sa kanyang birthday celebration sa Sunday All Stars ng GMA 7.

Present sa Sunday All Stars studio ang mga magulang ni Winwyn na sina Alma Moreno at Joey Marquez. Naroroon din ang kanyang mga kapatid at pamangkin.

Namana ni Winwyn kay Alma ang husay sa pagsasayaw. Nagustuhan ng televiewers ang dance number nito, kasama ang mga kapatid na sina BJ at Vandolph.

Habang tumatagal, lalong gumaganda at sumeseksi si Winwyn. Beauty queen material talaga siya. Next year, hinog na si Winwyn para sumali sa mga beauty contest.

Love story nina Joey at Alma nangangamoy part 2!

Matagal nang hiwalay sina Alma at Joey pero naging matalik na magkaibigan sila.

Nasasabi nila sa isa’t isa ang mga problema sa kanilang love life. Hiwalay na si Alma sa husband nito na mayor ng Marawi City kaya may mga umaasam na magkabalikan sila ni Joey. Magiging maligaya ang mga anak nina Alma at Joey kapag nagkaroon ng part 2 ang kanilang relasyon.

 

vuukle comment

BURBERRY T

CEDRIC

EASTERN SAMAR

SUNDAY ALL STARS

WINWYN

ZIMMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with