^

PSN Showbiz

Cristine ngayon lang nagka-BF na boto ang lahat

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos maghiwalay ng dating magkasintahan na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban noon ay sinabi ng aktor na hindi na siya muling makikipagrelasyon sa isang artista. Noong isang linggo ay nagulat ang apat na sulok ng showbiz nang makumpirmang magkarelasyon na sila ni Cristine Reyes.

“Alam ko kinain niya lahat ng sinabi niya sa past dahil kaibigan niya ako eh. Alam ko lahat ’yun na sinasabi nga niya na ayaw niya na ng girlfriend sa showbiz pero siyempre ’yun ang sinasabi ko sa kanya eh. ’Wag kang magsasalita ng tapos,” nakangiting pahayag ni Cristine.

Si Rayver Cruz naman ang huling nakarelasyon ng dalaga at mag-iisang taon na rin silang magkahiwalay.

“Ako, sinabi ko rin naman na hindi muna ako magbo-boyfriend. Gusto ko munang mag-focus sa work for one or two years. Well, sa November mag-one year na sana hindi pa umabot. Still, kahit paano, kahit before umabot ng one year nagawa ko ’yung single ako,” dagdag ng aktres.

Masayang-masaya raw ngayon si Cristine sa kanilang relasyon ni Derek at pakiramdam niya ay masaya rin ang mga taong malalapit sa kanyang puso. “Napakaimportante kasi sa akin ng factor na ang mommy ko gusto ’yung taong malapit sa akin. Natutuwa kasi ako kasi ang mommy ko masaya para sa akin at ito ang kauna-unahang relasyon na parang lahat ng tao positive. Lahat ng tao happy. Alam n’yo naman ’yung past ko to begin with, my exes na parang from the start pa lang, parang lahat ng tao galit. Ito ’yung first time na nagkaroon ako ng relasyon na parang lahat ng tao kino-congratulate ako,” giit ng dalaga.

Nagkausap na rin sina Cristine at Rayver tungkol kay Derek at wala naman daw itong problema sa dating kasintahan ng aktres dahil tala­gang magkakaibigan sila.

“Aware naman si Rayver na talagang aalagaan ako ni Derek. Dumadalaw kami before sa bahay nila, walang ilangan. Actually, pinag-usapan namin the whole thing, which is good. Sobrang healthy (ng relasyon bilang magkaibigan) namin talaga ni Rayver. Kung ano ’yung relasyon namin walang nagbago except hindi na kami,” pagtatapos ni Cristine.

Andrea fan lang ni Daniel, itinangging crush

Aminado ang batang bida ng teleseryeng Annaliza na si Andrea Brillantes na isa siya sa mga masugid na tagahanga ni Daniel Padilla. Hindi naman nangangahulugang “crush” na ni Andrea ang aktor.

“Gusto ko lang magpa-picture. Meron na kaming picture dati kaso malabo eh. Bata pa ako eh. Dapat mag-focus muna ako sa career ko and studies. Siguro kapag 15 (years old) puwede na pero crush pa lang. ’Yung boyfriend siguro kapag mga twenty plus na ako o twenty five,” natatawang pahayag ni Andrea.

Samantala, kahit abala sa kanyang trabaho ang batang aktres ay sinisikap naman nitong mag-aral.

“Tuesday to Thursday ’yung pasok tapos kapag Saturday tinu-tutor ako. ’Yung kapag acting okay din. Masaya naman po sa set namin, laging may tawanan, gano’n,” kuwento ni Andrea.

Malaking tulong ang pag-aartista dahil nabibili ni Andrea ang kanyang mga pangangailangan. “Nakabili na ako ng iPod, cell phone, at camera, kotse. ’Tapos nakalipat kami ng condominium. Hindi pa bahay, condo muna,” pagtatapos ni Andrea. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                      

 

vuukle comment

AKO

ALAM

ANDREA

CRISTINE

DEREK

NAMAN

RAYVER

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with