^

Balita Ngayon

Juday: 'Tao lang ako, nasasaktan din'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magulo ang isip ni Queen of Pinoy Soap Opera Judy Ann Santos dahil hindi pa siya makapagdesisyon kung iiwan ba niya ang ABSCBN, kaya naman gusto niya munang magpahinga at tumakas sa mga problema.

“Yung paglipat o yung pag-renew ng kontrata, hindi ko pa masasagot yan kasi gusto ko munang magpahinga. Siguro, a couple of weeks. Gusto kong ibigay itong peace sa akin kasi medyo nawindang din ako for the past few weeks and I think I deserve to just relax and spend time with my kids and my husband,” pahayag ni Juday kahapon.

Umugong ang balitang tatawid sa kabilang network si Juday matapos ilabas ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo ang column niya sa isang tabloid.

Kaugnay na balita: Juday iiwan ang ABS-CBN?

“Siguro kailangan ko lang mag-isip ng klaro kung ano yung gagawin kong susunod na mga projects in the near future,” dagdag ni Kapamilya actress.

Hindi naman kinakalimutan ni Judy Ann kung saan siya nagsimula pero aniya nasasaktan din naman siya.

“Tao lang ako. Nasasaktan din ako. Kaya kailangan ko lang magpahinga.”

‘It was my decision’

Inamin ni Judy Ann na decision niyang tapusin nalang ng mas maaga ang kanyang soap opera na “Huwag Ka Lang Mawawala” na huling linggo next week.

Sinabi niya na walang kinalaman ang papalit na show ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “Got To Believe” sa pagsibak sa kanyang show.

 â€œIt was my decision to end the show earlier. But then again, I appreciate that the management listened to what I have to say. Originally, it should be moved to the fourth timeslot. And I asked management kung pwedeng third na muna, pero earlier matatapos. And I really appreciate the fact na pinagbigyan nila ako,” kuwento ni Judy Ann.

 â€œKasi, di ba, mas masarap mag-ending na napapanood ng lahat ng tao. And at the same time, yung palakpak, mas matindi pag gising ang mga tao kasya palakpak na parang nananaginip lang sila kasi hindi naman talaga nila napanood yung finale,” dagdag niya.

Sa ngayon ay nasa pangatlong slot ang show ni Judy Ann pagkatapos ng TV Patrol, “Juan Dela Cruz” ni Coco Martin at “Muling Buksan Ang Puso” ni Julia Montes.

“Yung 'Got To Believe,' sa totoo lang, ayaw kong mag-react sa isyu, sa kanila, kasi it's a totally different thing. Pero sa tunay na salita, 'yung 'Got To Believe' na teleserye has nothing to do with my decision.”

“It’s their time to shine. Ang sa akin lang, I was gone for two years and gusto kong mamaalam sa teleserye nang taas noo.”

vuukle comment

ALFIE LORENZO

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

GOT TO BELIEVE

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUAN DELA CRUZ

JUDAY

JUDY ANN

JULIA MONTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with