Regine, lumuha sa kanyang ‘finale!’

Parang buong showbiz ay nanood ng first and second night ng Finale concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.
I mean, ang dami kasing celebrity na nag-post na nanood sila.
Like si Mommy Guard actress Jolina Magdangal ay may pa-late post na “Di na ako nakapag post kagabi dahil hanggang pag uwi ko ay ninanamnam ko ang naramdaman ko habang nanonood ako ng concert ni Ate Reg. Nag uumapaw ang puso ko, kaya buti pag uwi ko gising pa si Mark at ang mga bata, at kinwentuhan ko sila ng kinwentuhan. Hanggang napansin ko si Mark nalang ang nakikinig at nakatulog na si Pele at Vika yun pala 3am na. Hahaha!
“Ang sarap magkwento.. at sa next post mag story time ako.”
Isa sa naging highlights ng first night ng Finale ni Regine ang surprise reunion niya kasama sina Donna Cruz and Mikee Cojuangco na kapwa niya bida sa pelikulang Do Re Mi.
Ang tagal nang hindi napapanood sa stage ni Donna, ganundin si Mikee kaya talagang maraming natuwa at kinilig.
Kagabi lang kami nanood ng Finale, pero as expected na maraming nag-upload ng mga video sa una at pangalawang gabi ng concert. Tho hindi naman buong concert pero Narito Ako ang opening song niya at sinundan ng You Are My Song na nagpaiyak sa singer/actress.
Ang nasabing concert ang hudyat na magpapahinga na si Regine sa solo concert sa malalaking venue.
Pero hindi raw ibig sabihin ay magreretiro na siya. May ilang bagay lang daw siyang gustong ayusin na hindi niya nagawa noong sobrang abala siya sa kanyang career. “I’m not totally retiring yet. I’m not retiring, pa. In fact, I have just finished recording a new album. Hindi na lang ako gagawa ng big concert na because I don’t think kaya ko pa. It’s too much work for me—physically, emotionally and mentally.
“And also... Ang hirap kasi gumawa ng concert pagka-ganitong age ka na. Just too demanding for someone like me who’s aging. And I can feel it. I was saying this a long time ago. I’ve been very, very honest with the changes in my body. I don’t want to be ridiculed about it anymore,” nauna nang sinabi ni Regine nang humarap sa ilang entertainment media para nga sa Finale concert na last night ngayong gabi.
- Latest
























