^

Police Metro

Alitan sa lupa: Mister pinugutan ng ulo ng kapitbahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karumaldumal na krimen ang sinapit na kamatayan ng isang 59-anyos na mister nang siya ay pugutan ng ulo ng kanyang kapitbahay naganap sa Brgy. Mauswa­gon, Godod, Zamboanga del Norte, kamakalawa.

Batay sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesperson P/Major Shallamie Chang, bago nangyari ang krimen ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima at suspek na 29-anyos sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

Umuwi ng bahay ang suspek at ilang sandali ay bumalik ito na armado ng itak at walang kaabug-abog na pinagtataga ang leeg ng biktima hanggang sa tulu­yang matanggal ang ulo.

Hindi pa nasisiyahan ay kinuha ng suspek ang pugot na ulo ng biktima at dinala malapit sa bahay nito.

Rumesponde ang mga otoridad  at narekober ang ulo ng biktima may ilang metro mula sa bahay ng suspek.

Matapos ang ilang oras ay boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspek na kinasuhan ng murder.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya na alitan sa lupa ang pangunahing motibo ng krimen.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with