‘Mary Grace Piattos’ et al tatalupan na sa impeach trial!

Depensa hinamon na magpaliwanag...
MANILA, Philippines — Inaasahan sa susunod na pagdinig ay matatalupan na rin ang mga kontrobersyal na pangalan o indibiduwal na nagkamal sa milti-mullion n confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Kaugnay nito, hinamon ni House prosecutor Terry Ridon ng Bicol Saro Partylist ang defense panel na ipaliwanag kung sino ang kumuha ng pondo kung hindi tunay na tao sina Mary Grace Piattos, Milky Secuya at iba pang nakatalang pangalan kaugnay sa anomalya sa P612.5 milyong confidential funds sa pagpapatuloy ng paglilitis ng Senate impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, sina Piattos, Secuya, at iba pang pinekeng mga pangalan ay siyang sentro ng paglilitis sa confidential funds kung saan ipriprisinta ng Kamara ang ebidensya sa betrayal of public thrust sa Senate impeachment Court na inaasahan sa darating na Miyerkules (Hulyo 22).
“Pag-uusapan po roon ‘yung Mary Grace Piattos, kung sino si Mary Grace Piattos, totoong tao ba si Mary Grace Piattos?” saad ni Ridon sa News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City nitong Sabado.
Ayon kay Ridon, sina Piattos, Secuya at iba pang mga pangalan ay mga gawa-gawa lamang umano na walang rekord ng kapanganakan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
“Kung hindi totoong tao si Mary Grace Piattos, sino ‘yung kumuha ng pera na pinirmahan ni Mary Grace Piattos?” giit ng solon.
Inihayag ni Ridon na ang prosekusyon ay nakatakdang magprisinta na ng ebidensya sa paglulustay ng confidential funds sa Hulyo 22 pagkataos naman ng Article sa grave threat o ang pagbabanta ni VP Sara laban sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.
- Latest















