^

Bansa

Hog raisers nilarga 3 araw na ‘pork holiday’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hog raisers nilarga 3 araw na ‘pork holiday’
Isa-isang dinidiskarga ang mga baboy sa Marikina Wet and Dry Market habang inilulunsad ng mga lokal na hog raisers at pork producers ang tatlong araw na “Pig Holiday” na sinimulan kahapon. Ang tatlong araw na protesta, na tatagal hanggang Oktubre 24, ay bilang pagkondena sa mababang farmgate price ng mga lokal na magbababoy at panawagan sa pamahalaan na repasuhin ang polisiya nito sa pag-aangkat ng karne ng baboy.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng nasa 800 hog raisers mula sa ibat ibang panig ng bansa ang paglulunsad ng tatlong araw na “Pig Holiday” o “Pork Holiday” kahapon.

Ang protesta ay magtatagal hanggang Sabado, Oktubre 24, upang kalampagin ang pamahalaan sa umano’y matinding pagkalugi ng sektor dahil sa bagsak na presyo ng lokal na baboy at patuloy na pork importation

Sa panahon n protesta, pansamantalang itinigil ng mga hog raisers ang paghahatid, pagkakatay, at pagbebenta ng buhay na baboy sa mga palengke, lalo na sa Metro Manila.

Ang malawakang pagkilos sa Department of Agriculture (DA s Elliptical Road Quezon City ay pinamumunuan ng Pork Producers ­Federation of the Philippine (Propork) at ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones.

Panawagan ng grupo ang agarang pagpapatigil sa importasyon ng karne ng baboy mula sa ibat ibang bansa sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan dahil sa nararanasang pagkalugi ng sektor

Ayon kay Briones, umaabot sa P350 milyon kada araw ang kabuuang nalulugi sa mga lokal na hog raiser dahil sa pork importation.

Aniya, umaabot sa P180-P190 kada kilo ang production cost ng mga hog ­raisers sa pagpapalaki ng baboy pero bumagsak ang farmgate price sa P120-P140 kada kilo na nagreresulta sa lugi na hanggang P7,000 kada ulo ng baboy.

Sinasabing dahil sa pagkilos na ito ng mga hog raisers, posibleng magkaroon ng pansamantalang kakulangan o limitadong suplay ng sariwang lokal na baboy sa mga pamilihan sa mga susunod na araw.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with