^

Pang Movies

Jak, may chika sa jowa ni Sanya!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Jak, may chika sa jowa ni Sanya!
Jak

Unang kasintahan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang lalaking may ibang lahi.

Sobra umanong in love sa isa’t isa ang magkasintahan na nagkakilala sa Boracay through a common friend.

Dahil hindi taga-showbiz ang unang nobyo ng aktres, ayaw rin niya itong isapubliko. Tama na raw na malaman ng publiko na may inspirasyon siya ngayon.

Tanggap ng nakatatandang kapatid ni Sanya, ang actor ding si Jak Roberto, ang boyfriend ng actress maging ng kanilang ina na si Marlene Osuna-Roberto kahit may ilang malisyosong chika tungkol sa nasabing karelasyon ni Sanya.

Claudine, bibida sa kuwento ng yumamang nagbebenta ng diamonds

Papasukin na rin pala ng tinaguriang “Queen of Diamonds” na si Charo P. Cordial, may-ari ng D’Maddox Jewelry ang pagpu-produce ng tele-movie by coming out with special series na sisimulan ng kanyang inspiring life story. 

Ito’y pagbibidahan ni Claudine Barretto (playing Charo’s role) at pinamamahalaan ni Rommel Penesa, isa sa mga director ng pelikulang When I Met You in Tokyo na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon. 

Pasukin din kaya ni Charo ang pagpu-produce ng pelikula? “Hindi muna siguro for now baka maapektuhan at mapabayaan ko ang main business ko,”  ani Charo nang ito’y aming makapanayam for our vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo, sa aming YouTube channel.

Alam mo, Salve A., nakakagulat ang laking mura (kumpara sa ibang jewelry shops) ng Maddox at ito marahil ang dahilan kung bakit dinadagsa ang showroom nila sa Marikina City.

Ang nakakatuwa lamang kay Charo ay hindi ito nagbago sa kanyang pakikitungo sa kapwa laluna sa kanyang mga kakilala at mga kababayan sa Oas, Albay kung saan siya nakaranas ng pagpa-farming dahil ito ang hanapbuhay noon ng kanyang parents.

 Pang-MMK o Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Charo na kapupulutan ng inspirasyon at leksiyon.

Catch our interview with Charo Cordial (of Maddox) sa aming vlog on my YouTube channel soon!

SANYA LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with