FEU palalakasin kapit sa itaas vs UST
MANILA, Philippines — Palalakasin ng Far Eastern Univeristy ang kapit sa top spot sa pagharap nila sa University of Sto. Tomas sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.
Pakay pahabain sa lima ang winning streak, haharapin ng Tamaraws ang Growling Tigers sa alas-3 ng hapon.
Mag-isa sa tuktok ng team standings ang FEU na may 4-1 karta habang 2-3 ang baraha ng UST na galing sa dalawang sunod na kabiguan.
Maghaharap naman sa alas-5:30 ng hapon ang University of the Philippines at Adamson University.
Nang tanungin kung naging malakas na ba ang Tamaraws ngayong season, mabilis itong itinanggi ni head coach Sean Chambers, itinuro niya ang kanilang mga naging mahihirap na laban kontra UST at National University bilang patunay na marami pa silang dapat patunayan.
“No, not at all. What I told the guys in the locker room was that, ‘The two teams that have been the hardest since I’ve been here have been UST. They pretty much had our number and I think we’ve only beaten NU once,” ani Chambers.
- Latest




















