Sports Complex sa Tubod, bet ni Gregorio
MANILA, Philippines — Naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio na isa sa may magandang pasilidad sa sports ay ang Tubod, Lanao del Norte.
Pinaghahandaan ng Lanao del Norte ang pag host ng kauna-unahang Mindanao Youth Games na gaganapin mula Marso 17 hanggang 21, 2027.
Tinatayang may lawak na 66 hecta res ang Mindanao Civic Center Sports Complex sa Tubod.
Ang nasabing FIFA-certified football pitch ay isang World Athletics-standard track and field oval, Olympic-size swimming pool, 5,000-seater gymnasium, at pagdadausan ng labanan sa archery, tennis, combat sports, at weightlifting.
At malapit na rin magamit ang baseball/softball diamond , nakakuha ito ng malaking suporta sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Amateur Baseball Association.
“I think you have the best sports facilities in the country. Maybe you don’t realize it, but it is really world-class,’’ sabi ni Gregorio.
Bago na upgrade, ginamit ang nasabing complex noong 2003 nang maging punong abala sila sa Palarong Pambansa na puwede pang maulit muli dahil mga high class na ang pasilidad.
Sa 2028 ay idaraos naman ang Batang Pinoy kaya naman ayon kay Gregorio hindi lang sa Manila sila nagho-host ng sports event, lumalabas sila sa Metro Manila, nagtutungo rin sa Visayas at Mindanao.
“This hosting is a dream that will become a reality for our province,” pahayag ni Lanao Del Norte First District Congresswoman Imelda ‘Angging’ Quibranza-Dimaporo.
- Latest





















