^

Metro

Matibag kay Defensor: ‘Idemanda mo misis ko’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kung may ebidensiya

MANILA, Philippines — Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang dating mambabatas na si Mike Defensor na idemanda ang kanyang asawang si Laguna 1st District Rep. Ann Matibag, kung may ebidensiya siyang sangkot ito sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, hinamon din ni Matibag si Defensor na maging siya ay sampahan ng kaso kung patuloy nitong igigiit na ginigipit sila ng NBI.

Pinalagan din ng NBI chief ang ginawang pagtawag sa kaniya ng former congressman na ‘tanga’ at ‘bobo.’ Ayon kay Matibag, ito ang pinaka­madaling sabihin kapag wala nang pangontra sa malinaw na pruweba.

Binigyang-diin ni Matibag na ‘unfair’ na tawaging katangahan at kabobohan ang pag-iimbestiga ng ahensiya sa umano’y human trafficking activities na kinasasangkutan ng pamilya Defensor. Nakikita niya lang na katangaha’t kabobohan ay ang idamay ng dating mambabatas ang sarili niyang pamilya sa ilegal na gawain.

Matatandaang una nang inianunsiyo ni Matibag na kakasuhan ng NBI ng qualified human trafficking ang mag-asawang Mike at Julie Defensor ngayong Biyernes sa Pasig Prosecutor’s Office, kaugnay ng ni-raid na KTV bar sa Pasig City noong Abril 21. Dawit din sa asunto ang anak ng mag-asawang Defensor.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with