^

PSN Palaro

Gilas palaban — Cone

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas palaban — Cone
Ang Gilas sa kanilang training bago lumipad pa-New Zealand.
Gilas Facebook

MANILA, Philippines — Naniniwala si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na palaban ang kanyang tropa na sasalang sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalaruin sa New Zealand at Australia.

Masaya si Cone dahil mas mahaba ang preparasyon ng Pinoy cagers kumpara sa mga dating training camp ng tropa sa mga naunang windows ng qualifiers.

Kasalukuyang nasa Brisbane, Australia na ang Gilas Pilipinas para doon ipagpatuloy ang training camp nito kasabay na ng acclimatization sa malamig na panahon ngayon sa oceania area.

Aminado si Cone na matinding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa final window ng qualifiers.

Ngunit handa ang kanyang tropa na makipagsabayan. At hindi malabong muli itong makakuha ng sorpresang panalo.

“We know it’s gonna be tough. We’re looking forward to it. We’ve been a team that pulls surprises and I’m not gonna be surprised if we pull up surprises,” ani Cone.

Bago tumulak sa Brisbane, sumalang muna sa open practice ang Gilas Pilipinas sa FilOil Arena sa San Juan noong Lunes.

Nais ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mabilis na makuha ng Gilas ang perpektong kundisyon kaya agad itong ipinadala sa Brisbane.

“I like the way the SBP has set it up for us in terms of being able to go to Brisbane, acclimatize ourselves to the weather a little bit,” ani Cone.

Bago ang qualifiers, sasalang ang Gilas sa dalawang tuneup games laban sa mga NBL teams.

Umaasa si Cone na ibubuhos ng Gilas ang buong lakas nito sa kanilang laban kontra sa New Zealand sa Hulyo 3 at Australia sa Hulyo 6.

FIBA

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with