^

Punto Mo

Restaurant na may award winning fried chicken, 66 na taon nang hindi pinapalitan ang mantika!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAPOS masungkit ang gintong medalya sa Japan Fried Chicken Grand Prix, isiniwalat ng may-ari ng Wakatori restaurant ang nakagugulat na sikreto sa likod ng kanilang tagumpay na ang ka­nilang mantika na 66 na taon nang ginagamit sa pagluluto ay hindi pinapalitan mula nang magbukas ang kainan noong 1960.

Ayon kay Yoshihiro Tsuchiya, ang ikatlong hene­rasyong may-ari ng Wakatori, ang pinatandang mantika o aged oil na ito ang pangunahing sangkap sa kanilang sikat na fried chicken. Nagbibigay umano ito ng kumplikadong aroma at katangi-tanging lasa na hindi kayang tapatan kung gagamit lamang ng purong bagong mantika, dahilan upang umangat sila sa kanilang mga kakumpitensiya.

Dahil sa rebelasyong ito, mabilis na umani ng pa­ngamba at batikos ang Wakatori sa social media kung saan inakusahan silang inilalagay sa panganib ang kalu­sugan ng kanilang mga customers. Gayunman, mabilis na nilinaw ng Wakatori na maingat nilang pinapanatili ang kalidad ng mantika sa pamamagitan ng araw-araw na paglilinis, pagsasala, at pagdaragdag ng bago.

Tuwing gabi, sinasala ng mga staff ang mantika, nag-iiwan lamang ng kaunting bahagi ng lumang man­tika bilang “base” ng lasa, at saka ito hinahaluan ng isang bagong batch. Nangangahulugan itong hindi na eksaktong parehong mantika mula 1960 ang ginagamit nila, bagama’t teknikal na may mga molekula pa rin mula sa orihinal na mantika ang nananatili sa kanilang lutuin.

Maihahalintulad ang diskarteng ito sa ginagawa ng ilang restawran sa kanilang mga sabaw (broth). Halimbawa ang sikat na restaurant na Otafuku sa Tokyo na mahigit 70 taon nang hindi nagpapalit ng broth para sa kanilang oden, gayundin ang isang kainan sa Bangkok na 50 taon nang ipinagpapatuloy ang tradisyon.

Sa kabila nito, nagbigay nang mahigpit na babala ang mga eksperto sa pagkain. Ayon sa kanila, ang mantika ay hindi katulad ng sabaw dahil ang paulit-ulit na pagpapainit dito ay lumilikha ng mga mapanganib at nakakakanser na kemikal tulad ng trans fatty acids at acrylamide. Kahit pa araw-araw itong haluan ng bagong mantika, hindi lubusang mapipigilan ang pangmatagalang pag-ipon ng mga nakalalasong sangkap na ito.

YOSHIHIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with