^

Pang Movies

Echo at Janine, todo ang lambingan sa kanilang anniversary

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Echo at Janine, todo ang lambingan sa kanilang anniversary
Janine at Jericho
STAR/File

Sa pagdiriwang ng first anniversary nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez bilang magdyowa ay nag-all-out na talaga sila sa kanilang relasyon.

Nag-post si Echo ng videos ng masasayang moments nila ni Janine sa beach at makikitang sweet na sweet ang magdyowa. May bahagi pang nakayakap ang aktres sa boyfriend at ginawaran niya ito ng halik.

Sa caption, anang aktor, “One year and one day with this one.”

Ang tamis naman ng sagot ni Janine na “Hahahha baba!!!!! The best time with you!!! Happy anniversary, I love youuuuu.”

Ang naturang post ay pinusuan ng netizens at kapwa-celebrities. Dinagsa rin ito ng comments at super-kilig sila sa EchoNine.

“Living vicariously through you guys. Amen,” sey ni Sarah Lahbati.

“Sana all,” hirit naman ni Arron Villaflor.

“Love you both,” komento naman ni Agot Isidro.

“Awwwwwwwww!!!!!! Kinikilig kami ni Vika!!!!!!” reaksyon ni Jolina Magdangal.

“Too cute!!!! Love you guys!” ani Ria Atayde.

Sey naman ng pinsan ni Janine na si Ara Davao, “Handa na akong mamatay mag isa.”

Heart, pinagtanggol ni Tulfo!

Nakakaloka ang netizens na pati ang nananahimik na si Heart Evangelista ay idinadamay nila ngayon sa issue ng asawa nitong si Senate President Chiz Escudero.

Nadiskubre nga kasing connected diumano si SP Chiz sa isa sa kontrober­syal na top 15 contractors sa bansa na iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa anomalya ng flood control projects.

Kaya naman pati si Heart ay napagdidiskitahan ng netizens at sinasabing pera ng bayan na bigay ng kanyang mister ang mga ginagastos ng aktres sa kanyang mga luho.

Marami naman ang nagtatanggol kay Heart lalo na sa matagal nang nakakakilala sa kanyang pamilya at isa na rito si Ramon Tulfo.

Sa Facebook account ng isa sa Tulfo brothers ay sinabi niyang tantanan na si Heart dahil bata pa lang ito ay bilyonaryo na ito dahil sa kanyang mga magulang na may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants.

“Leave her alone! Heart Evangelista is a billionaire in her own right as she comes from the wealthy Ongpauco clan that owns the Barrio Fiesta chain of restaurants,” saad ni Ramon.

Bukod pa sa galing sa wealthy family, milyun-milyon din daw ang kita ni Heart bilang aktres and influencer.

“Before she got married to Chiz Escudero, Heart was earning oodles and oodles of money as a movie actress and influencer,” aniya.

“The money she spends is her own, not Chiz’s,” giit pa ni Ramon.

“I should know; I’m a friend of her uncle Rod Ongpauco,” hirit pa niya.

Well, sa mga matagal nang nakakakilala talaga kay Heart, nakakatawa naman talaga ang kwentong ginagamit niya ang pera ng bayan dahil sa kanyang asawang si Chiz.

Noon pa sinasabi ni Heart na sariling pera niya ang ipinangsa-shopping niya at ipinambibili ng kanyang mga mamahaling gamit.

Bukod pa rito, dahil nga sikat na influencer din ang aktres, nireregaluhan din siya ng luxury brands ng mga mamahaling produkto nila at makikita naman din lagi sa posts niya ang mga regalong ito bilang promo na rin sa brand.

Kaya tantanan n’yo na si Heart! Kung bumibili man siya ng mga mamahaling gamit, she deserves it dahil galing ito sa sarili niyang pera.

JANINE GUTIERREZ

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with