^

Pang Movies

R’Bonney muntik mawalan ng kumpIYAnsya sa sarili

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
R’Bonney muntik mawalan ng kumpIYAnsya sa sarili
R’Bonney Gabriel

Maagang natapos ang laban ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa Project Runway Season 22 matapos siyang ma-eliminate sa unang episode ng naturang fashion design competition.

Pero sa kabila ng pagkatalo, determinado pa rin si R’Bonney na mag-grow bilang isang designer. Tinawag niyang “devastating” pero “humbling” ang experience niya sa Project Runway sa isang social media post.

Matagal na siyang mahilig sa sustainable fashion, at kahit natapos agad ang laban niya, ipagpapatuloy pa rin niya ang paglinang ng talent at pagpapalawak ng fashion label niya.

“I’d be lying if I were to say I don’t feel insecure after this experience. It definitely makes me question myself as a designer but I’m gonna take this as a learning lesson. I just want to dedicate more time to my craft and my fashion business, and I want to continue to improve on that.”

Dolly, ayaw nang makipaglandian

Despite her success sa international scene, happy si Dolly de Leon sa kanyang pagiging single parent sa apat niyang anak.

Ayon pa sa aktres, wala siyang oras para sa love life kahit na may mga “lumalandi” sa kanya.

“‘Di ko type, ayoko. Wala akong time. Ayoko. I enjoy being single, I love being alone,” sey ni Dolly.

Kahit tagumpay siya sa mga magagandang roles sa Hollywood, inamin ni Dolly na nalulungkot pa rin siya sa kabila ng lahat. Iba talaga raw yung buhay at estado niya roon kumpara nung nasa Pilipinas siya.

“Like ‘pag nandu’n ako, napipilitan akong mag-ingles the whole time. Nakakapagod mag-ingles the whole time, ‘di ba? Ta’s pag-uuwi ako galing work, tulog na ‘yung mga anak ko, wala akong makausap, so yeah, it can be lonely,” sey ni Dolly na thankful pa rin sa mga blessings na dumarating sa career niya sa edad na 57.

Hudson Williams, paborito ng stalkers

Nakaranas ng harassment ang Canadian actor na si Hudson Williams mula sa mga taong nagpapanggap na fans niya.

Kinumpronta ng Heated Rivalry star ang ilang autograph sellers na tila ini-stalk siya at ang kanyang girlfriend na si Katlyn Larson noong dumalo sila Paris Fashion Week kamakailan.

“Guys, you just followed me to my residence! No, no ‘sorry.’ You can’t do this.

This is really f--king weird. You can’t f--king do this! You guys aren’t fans. You’re being really creepy and you just followed me. You don’t do this! Now, please f--king leave! You’re demented!” galit na pinagsabihan ng 25-year old actor ang tatlong stalkers.

Simula noong sumikat si Hudson dahil sa pagbida nito sa 2025 sports drama series na Heated Rivalry with Connor Storrie, hindi na raw siya tinantanan ng stalkers at mga indecent proposals mula sa kung sinu-sino.

MISS UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with