^

Pang Movies

Toni tinawag na oportunista, dumami pa ang followers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sa mga taga-showbiz at kilala ni Toni Gonzaga na nag-comment sa post ni director Erik Matti, si G Tongi lang ang nagbanggit ng pera, although dollar sign ang kanyang ginamit. “I completely concur with you. I can only imagine $ has a lot to do with it... That in the end when you realize you do have power, you use it to fuel the work of the people not your own pockets to fill...”

Sabi naman ni Quark Henares, “I can’t believe she actually introduced Marcoleta at an event, the man who was responsible for shutting down the company that built her career. Hindi lang impunity ad apathy eh. Opportunist talaga.”

Ang ibang taga-showbiz na nag-comment, emoji lang ng 100, clapping of hands, ang comment. Si John Arcilla ang comment ay “Salute Erik!” at si Agot Isidro ay “Truth.”

May nabasa kaming binanggit na hindi lang ninong at ninang sa kasal nina Toni at direk Paul Soriano sina Bongbong Marcos at asawa nitong si Liza Araneta-Marcos. Nephew ni Liza si direk Paul dahil ang dad nitong si Jeric Soriano ay first cousin ni Liza. Ang paternal grandmom ni Paul at mom ni Liza ay magkapatid at second cousins ni direk Paul ang mga anak nina Bongbong at Liza.

Anyway, kung marami ang nagalit at nag-unfollow kay Toni sa Instagram, marami rin ang mga bago niyang followers dahil ‘yung 7M followers niya bago ang proclamation rally, ngayon at 7.1M na at ang subscribers niya sa YouTube ay umabot na sa 5M.

“Thank you we have reached 7 million Instagram followers and 5 million YouTube subscribers. Maraming salamat...,” post ni Toni.

Pansin na mas marami ang nagtatanggol kay Toni kaysa bashers at pinuri sila ni direk Paul dahil may paninindigan daw.

Mahaba pa ang isyung ito hanggang tapos na ang election at naproklama na ang winners, iba-bash pa rin si Toni at direk Paul.

Gretchen, inaway rin

Ang hindi maganda at sabi nga, pangit na ka-bonding ang mga umaaway sa mga kaibigan ni Toni Gonzaga na nagpahayag ng suporta gaya ni Gretchen Barretto. Pangalan lang ni Toni at heart emoji ang comment ni Gretchen, pati siya inaway na. Ayaw naming isulat ang mga comment at baka masali kami kung magkakademandahan.

Pati nga si Karla Estrada na nag-comment lang ng positive kay Toni, na-body shame pa. Natawa kami sa nag-comment na hinihintay niyang i-pa-cancel si Aga Muhlach na nagparating din ng suporta kay Toni, pero walang nanawagang i-cancel siya.

Naka-open ang comment box ng Instagram ni Toni, everybody is open to comment negative man o positive na sa totoo lang, masarap basahin.

Mabuti at hindi pinapatulan ng mga celebrity ang matatapang na bashers, pero isa lang ang mademanda sa kanila, mananahimik sandali ang mga ito.

Sing… nina Mikael at Megan, nanahimik

Ang daming naka-miss kay Mikael Daez na mapanood siyang nagho-host dahil puro drama series ang ginagawa niya. Kaya ikinatuwa na fans nito na balik-hosting siya sa The Best Ka! na premiere sa Feb. 20. Ito ang papalit sa Dear Uge ni Eugene Domingo na after five years, mawawala na.

Tampok sa The Best Ka! ang Guinness World Records at ngayon lang daw mapapanood sa local TV. Para kaya itong Amazing Earth ni Dingdong Dantes?

Ituloy pa kaya ng GMA 7 ang singing competition na Sing for the Hearts  na sina Mikael at Megan Young ang hosts. Nagpa-audition na ang GMA at napili na ang jurors, kaya lang, biglang tumahimimk at wala nang balita.

Buboy, may oras sa kanyang paresan

Aliw ang title ng pares business ni Buboy Villar na Paresan Ni Bok dahil may karugtong na “Pag Tumingin Ka, Kain Ka.” Nasa bisikleta ang cart ni Buboy na marami ang bumibili dahil dalawa na ang nagbabantay.

Ngayong wala siyang regular series at sa The Boobay and Tekla Show muna siya napapanood, may time siyang tumao sa kanyang negosyo. Kapag nakikita siya, mas marami tiyak ang bumibili.

Ang alam namin, nasa Amerika na ang dalawang anak ni Buboy, sa mom ng mga bata, walang inaalagaan si Buboy, makakapag-concentrate siya sa business niya at kung magkakaroon man ng show sa GMA 7.

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with